Cash assistance, ipinagkaloob ng Caritas Manila sa mga biktima ng bagyong Vinta at Urduja

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 366 total views

Humigit-kulang sa 2-milyong pisong cash assistance ang ipinagkaloob ng Archdiocese of Manila at Caritas Veritas Damayan sa libu-libong biktima ng bagyong Urduja at Vinta sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Sinabi ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na ang cash donations ay ibibigay sa pitong (7)Diocese at Archdiocese na aagapay sa mga residenteng matinding naapektuhan ng bagyong Urduja at Vinta.

Ayon kay Father Pascual, kabuuang 400-libong piso ang ipapadala ng Caritas Manila sa Diocese of Butuan, 300-libong piso para sa Diocese of Ipil na nakakasakop sa Zamboanga Sibugay, 361,500-libong piso sa Diocese of Tagum.

200-libong piso para sa mga nasalanta ng bagyo sa Archdiocese of Cagayan de Oro, 200-libong piso sa Diocese of Iligan, 200-libong piso para sa Diocese of Marawi at 200-libong piso naman para sa Diocese of Dipolog.

Naunang nagpadala ang Caritas Manila at Father Saturnino Urios University ng 1,500 relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Cagayan De Oro sa Bisperas ng pagdiriwang ng araw ng Pasko.

“People are Suffering, The need help, we are in contact with DSAC (Diocesan Social Action Center) para makatulong ASAP” pahayag ni Fr. Pascual.

Nakapagpadala na ang Diocese of Tagum ng 3 libong relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo sa Compostela Valley at Davao Del Norte.

Read: Caritas Manila at iba pang organisasyon ng Simbahang Katolika nagpadala na ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta.

Nauna ding hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao dulot ng magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.

Read: Cardinal Tagle, umapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyo

Sa Datos ng NDRRMC, umabot sa 18 libong pamilya o mahigit sa 72 libong inidibidwal ang naapektuhan ng bagyong Vinta.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,962 total views

 45,962 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,831 total views

 41,831 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,033 total views

 78,033 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,770 total views

 86,770 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,201 total views

 112,201 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 82,721 total views

 82,721 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top