Simbahan, nagpapasalamat sa mining ban sa Manicani island

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Labis ang pasasalamat ni Fr. Niño Garcia – Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani Island, Guian , Eastern Samar sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau dahil sa tuluyan nitong pagbasura sa panibagong application ng Hinatuan Mining Corporation para sa Mineral Prodcution Sharing Agreement.

Nagpasalamat din ang pari dahil kinilala ni Environment Secretary Roy Cimatu ang pagiging isang protected area ng Guian sa ilalim ng Presidential Proclamation 469 ni Pres. Fidel Ramos noong 1994.

“Nagpapasalamat ako kay Secretary Cimatu dahil pinakinggan nya yung hinaing ng mga tao at in-uphold nya yung mga batas na nagpoprotect sa aming isla na hindi sya minahin, hindi sya sirain,” pahayag ni Father Garcia sa Radyo Veritas.

Samantala, bagamat nagpapasalamat ang pari ay nanawagan din ito sa DENR na bigyan sila ng kopya ng dokumentong magpapatunay na binasura na ng DENR ang bagong mining application ng HMC.

“Sana bigyan kami o mag-issue ang DENR-MGB ng official document stating na hindi na pwedeng minahin ang buong isla,” dagdag pa ng pari.

Gayunman, positibo parin si Father Garcia kasama ang grupong Protect Maniani Island Society o PROMISI na ang mabubuting hakbang na naisakatuparan ngayong 2017 sa pamamagitan ng pagpupursige ng mga residente ng Manicani ay magdadala ng paghihilom sa puso ng bawat mamamayan sa isla.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng tuluyang pagpapatigil sa mina ay masisimulan nang mabuo muli ang mga pamilya at maisaayos ang mga hidwaang bunga ng mapaminsalang pagmimina.

“Sana sa ganitong stand ng DENR matuldukan na ang matagal na hidwaan sa buong isla sana magkaayos na ang mga tao at sana magkabalikan ang magandang relationship ng bawat isa at sana ito ay mag start ng healing mula sa matagal nang pagkakahiwa-hiwalay, and hopefully next year we’re hoping na for the next years to come ay sana mag kayos na ang mga tao at magsimula nang maghilom ang emotional na sugat ng bawat isa.” Pagbabahagi ni Father Garcia.

Matatandaang nagkampo nang mahigit sa isang buwan ang mga miyembro ng Protect Manicani Island Society o PROMISI sa tanggapan ng DENR upang pigilan ang bagong mining application ng HMC.

Taong 1992 nang magsimula ang pagmimina sa isla. Sa kabuuan ay mayroon lamang itong lawak na 1,165hektarya habang mayroon namang humigit kumulang 3,000 mga residente.

Nauna rito, inihayag ng kanyang kabanalan francisco sa encyclical na laudato si ang mariing pagtutol niya sa pagmimina dahil sa nagiiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at kalikasan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,643 total reads

 11,643 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,783 total reads

 67,783 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 153,149 total reads

 153,149 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,885 total reads

 199,885 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,757 total reads

 247,757 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,368 total reads

 348,368 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 1,980 total reads

 1,980 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 43,885 total reads

 43,885 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,759 total reads

 36,759 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top