Umaasa sa awa at habag ng Panginoon sa pagdating ng panibagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Ipagdasal ang bawat isa nang sa gayun ay maging ligtas sa anumang uri ng kalamidad.

Ito ang panalangin ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nalalapit na pagtatapos ng taon lalu’t isa na namang bagyo ang nakaambang pumasok sa bansa.

“Lord almighty and loving God we pray for our people especially to those who are suffering and those who died in the recent storms and even as one is set to be coming to the Philippines. We pray for the homeless, the elderly and children,” ayon sa panalangin ng Arsobispo.

Una na ring inihayag ng Pagasa na posibleng mamuo bilang isang bagyo ang namataang sama ng panahon na maaring muling tumama sa lugar na nasalanta ng bagyong Urduja at Vinta.

Dagdag pa ng arsobispo, nawa ay hindi mawalan ng pagasa ang mga nagdurusa at maramdaman pa rin ang pag-ibig ng Panginoon sa pamamagitan na rin ng tulong mula sa mga taong nagmamalasakit.

“Let us pray for all and each one, so that when we welcome the New Year even with darkness and so much suffering we will keep our faith in the mercy and compassion of the Lord. Will keep our hope that through our kindness and care for each other, people will know and feel that the Lord is love,” ayon pa kay Archbishop Valles.

Una na ring nanawagan ng tulong ang Caritas Philippines para sa mga nasalanta ng bagyo na hanggang ngayon ay nasa mga evacuation centers.

Sa katatapos lamang na bagyong Urduja, umabot sa 40 katao ang nasawi habang nakapagtala naman ang Vinta ng kabuuang higit sa 100 ang nasawi at may 200 katao pa ang naiulat na nawawala partikular na naapektuhan ng bagyo ay ang Compostela Valley, Davao del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Misamis Oriental.

Sa Davao, ayon kay Archbishop Valles may dalawa pang kapilya ang puno pa rin ng mga evacuees, ito ayon sa kaniya ay ang mga lumikas mula sa umapaw na ilog sa Davao.

Humiling din ng panalangin ang arsobispo para sa mga nasawi sa naganap na malaking sunog sa NCCC mall sa Davao City kung saan may 37 call center agents ang nasawi.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,703 total reads

 3,703 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,137 total reads

 56,137 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,503 total reads

 141,503 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,239 total reads

 188,239 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,111 total reads

 236,111 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,334 total reads

 337,334 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top