Pagmamalasakit sa kapwa, tunay na nagbibigay ng suwerte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Pagdarasal at pagtulong sa kapwa ang tunay na nagbibigay ng swerte sa bawat isa.

Ito ang paglilinaw ng Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay na rin sa mga pamahiin at ilang kaugalian ng mga Filipino sa pagsalubong ng Bagong Taon tulad ng paggamit ng paputok.

“We live in peace and help one another. Yung corporal works of mercy iyon po ang magbibigay sa atin ng swerte. Kasi whatever you give and share to people ito po ay parang echo. It will go back to us in hundred folds. So maganda ang swerte talaga ay yung tayo ay may compassionate heart that will help who are need. The Lord who sees the good things that what we are doing will double the grace you share to people. Iyun ang swerte sa ating buhay,” paliwanag ni Archbishop Jumoad.

Base sa tradisyon, ang pagpaputok at pag-iingay sa pagsalubong ng bagong taon ay nagtataboy ng malas at masasamang espiritu.

“Parang superstitious lang yung mga ganyan, wala ‘yan sa teachings of the church,” paliwanag pa ni Archbishop Jumoad.

Pinuri rin ng arsobispo ang naging kautusan ng Pangulong Rodrigo na ipagbawal ang malalakas na paputok at magkaroon na lamang ng designated areas para sa mga fireworks display sa iba’t ibang lugar.

Layunin ng executive order 28 na mabawasan ang mga naitatalang biktima ng paputok sa pagsalubong sa New Year.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang paggamit ng piccolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic bomb triangulo o anumang firecrackers at pyrotechnic devices na naglalaman ng higit sa 2 gramo ng gun powder.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, may 20 na ang biktima ng firecracker-related injuries simula December 16.

Sa pagsalubong ng taong 2017, naitala ng Department of Health (DoH) ang 630 firecracker-related injuries na 32 porsiyentong mas mababa kumpara sa mga nakalipas na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 74,697 total reads

 74,697 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 106,559 total reads

 106,559 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 208,385 total reads

 208,385 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 248,944 total reads

 248,944 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 266,363 total reads

 266,363 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top