I-adya ang mamamayan sa banta ng kalamidad, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Nagpaabot ng kanilang panalangin ang mga Obispo mula sa Visayas at Mindanao kaugnay sa panibagong bagyo na maaring tumama sa bansa partikular na sa mga lugar na unang nasalanta ng bagyong Urduja at Vinta.

Ipinagdarasal ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na hindi magdulot ng malaking pinsala ang panibagong bagyo at maging maayos ang pagdiriwang ng bawat isa sa bagong taon.

“Mag ampo kita sa Ginoo na unta ang bagyo nga kali abot dili unta muhatag ug dako nga katalagman, kinoon kini muagi lamang og makasinapi kita sa mga maayo na panahon. Atuang iyong Ginoo nga unta magpadala Siya sa mga instrumento, ingon bang pananglitan mga milagro aron kining makadaot nga dautang panahon dili kami maabot kana to, kita maghupot sa pagtuo kay kita sayod nga diha pagtuo daghan ang milagro na maitabo,” panalangin ni Archbishop Jumoad.

Hinikayat din ng Arsobispo ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng mamamayan.

Nagpahayag din ng panalangin si newly appointed Naval Biliran Bishop Rex Ramirez sa panibagong banta ng bagyo lalu’t naapektuhan din ang Biliran sa magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.

Hinihiling ng Obispo sa Poong maykapal na maging ligtas ang bawat isa sa nakaambang panibagong kalamidad.

“Your blessings Father, never fail. And so we ask of You once again that you avert in Your powerful hands whatever calamity awaits us. We ask that Your blessing may stay with us. And that Your grace may provide us of peace and with strength and in this lenience, we ask that this end of the year that be the summary of all blessings for us all. So that we may begin it by giving You praise,” ang panalangin ni Bishop Ramirez.

Sa katatapos lamang na bagyong Urduja, sa Biliran lamang ay umabot sa 40 ang nasawi.

“We are being threatened by a typhoon supposedly to make a landfall in our country, on December 30 or 31, most probably it will hit Mindanao again. Lord we know that You love us, we also know that we had been remiss in our duty to love You and our neighbors specially the needy and we are sorry for all the mistakes that we have done and we trust in Your loving kindness, please Lord let peace [reign],” ayon naman sa panalangin ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez.

Habang mahigit sa 100-tao ang nasawi sa bagyong Vinta at may 200 katao pa ang naiulat na nawawala kung saan partikular na naapektuhan ang Compostela Valley, Davao del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Misamis Oriental.

Sinabi ng PAGASA na sakaling maging isang ganap na bagyo ang namataang low pressure area bago matapos ang 2017, ito ay tatawaging Wilma o Agaton naman sakaling pumasok sa unang araw ng Enero 2018.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,702 total reads

 3,702 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,136 total reads

 56,136 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,502 total reads

 141,502 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,238 total reads

 188,238 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,110 total reads

 236,110 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,333 total reads

 337,333 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top