Pag-ibig, susi sa pagbabagong loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Ito ang paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga bilanggo sa iba’t-ibang correctional institutions sa bansa.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagmamahal sa pamilya at sa kapwa ang nagbubunsod nang pagbabago na dapat ding iparanas sa ating kapwa tungo sa pagiging ganap ng buhay.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa misang ipinagdiwang kasabay ng pagtatapos ng 186 na bilanggo ng maximum security compound mula sa “1 year PaReleaseMe program ng Caritas Manila Restorative Justice Minisitry sa New Bilibid Prison noong December 30, 2017.

“Sigurado ako, kahit ano pa ang nangyari sa mga buhay natin. Mahal ninyo ang inyong pamilya. Mahal na mahal. At alam nyo rin na ang pag-ibig na iyan sa inyong pamilya. Iyan ang susi sa pagbabago. At pagnakaranas kayo ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, iyang pag-ibig na iyan ang magbunsod sa inyo para maging ganap ang inyong buhay. Pag-asa, pag-ibig,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle sa Our Lady of Lourdes Chapel sa maximum compound.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle na hindi nagbabago ang pag-ibig ng Panginoon sa para sa lahat at maging sa mga makasalanan.

“Mga kapatid ano pa man ang nagawa at nangyari sa buhay nyo, Mahal kayo ng Diyos! Huwag ninyong pagdududahan ‘yan, kakapitan nyo ‘yan. At kung gaano kayo minahal ng Diyos, ganun din ninyo mahalin ang inyong buhay. Ganun ninyo rin mahalin ang inyong pamilya at ganun nyo mahalin ang isa’t-isa kasi sa ngayon kayo naman ay isang pamilya dito. Magmahalan kayo, magtulungan at sama-samang umasa. Hindi tayo bibiguin ng Diyos. Ang Diyos na mapagmahal, tutuparin ang kaniyang pangako! Darating Siya dahil mahal Niya, tayo,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Tagle.

Ang PaReleaseMe- ay isang one year program ay nagbibigay ng legal assistance at pangkabuhayan na nagsimula pa noong 2005 na layong mabigyan ng kaalaman, pagkakakitaan at paghahanda ang mga bilanggo sa kanilang paglaya, kabilang na dito ang pagtatanim, pananahi at paggawa ng mga sabon.

Sa datos ng Bureau of Correction ngayong 2017, may kabuuang 49 na libo ang nakapiit sa New Bilibid Prison na dapat sana ay para lamang sa higit 20 libong mga bilanggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 75,547 total reads

 75,547 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 107,357 total reads

 107,357 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 209,183 total reads

 209,183 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 249,742 total reads

 249,742 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 267,131 total reads

 267,131 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top