SANGKAN, lalong magpapaunlad sa bokasyon ng batang seminarista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Naniniwala si Father Rico Garcia – Rector ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary na ang isinagawang SANGKAN o Isang Angkan Kay Kristo Southern Luzon Cluster ay lalo pang magpapaunlad sa bokasyon ng mga batang seminarista.

Ayon sa Pari, ang pagtitipon ng mga Seminarista kung saan nagtatagisan sa mga larong basketball, volleyball, chess at iba pa ang mga kalahok ay nagpapakita na hindi lamang dapat malimitahan sa loob ng paaralan at sa bawat silid sa seminaryo ang pag-aaral ng mga seminarista.

Dagdag pa ni Father Garcia, sa pamamagitan ng SANGKAN ay lumalalim ang pagsasamahan ng bawat isa at nakikilala din ng mga ito ang kanilang mga kapatid na seminarista mula sa ibang bahagi ng bansa.

“Una, para mag-paunlad ng ating bokasyon para yung mga nakapasok na dito, yung mga grade 7 at grade 8 ay magkarOon sila ng isang karanasan na hindi lamang sa kanilang seminaryo kundi, makasama at makakita sila ng iba pang mga kasama nila sa hinaharap sa paglilingkod sa pagpapari at sa pagkakataong ito ang pamamaraan ay sa paglalaro sa paligsahan at kalakip din dito yung mag kakila-kilala na sila.” Pahayag ni Father Garcia sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, makahulugan naman para kay Father Garcia ang SANGKAN ngayong 2018 dahil ipinagdiriwang ng Simbahan ang Year of the Clergy and the Consecrated Peoples.

Umaasa ang Pari na sa pamamagitan ng pagtitipon na ito ay mapapalalim pa ang samahan ng mga seminarista, mapagyayaman ng bawat isa ang kanilang bokasyon, at makahihikayat pa ng ibang kabataang lalaki upang sumunod sa tawag ni Hesus bilang maging Pari.

Ang SANGKAN ng Southern Luzon Cluster ay kinabibilangan ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, Oblates of St. Joseph Minor Seminary, St. John Paul II Minor Seminary, St. Francis de Sales Minor Seminary at Our Lady of Mt. Carmel Minor Seminary.

Mayroong 150 hanggang 175 mga batang seminarista mula sa Grade 7 at 8 na lumahok sa nakaraang pagtitipon.

Sa kasalukuyan, masusi na ang paghahandang isinasagawa ng Our Lady Of Guadalupe Minor Seminary para naman sa nakatakdang Nationwide SANGKAN sa darating na Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,102 total reads

 2,102 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,607 total reads

 37,607 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,091 total reads

 74,091 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,302 total reads

 92,302 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,539 total reads

 176,539 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,260 total reads

 378,260 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top