Kapamilya ng mga biktima ng EJKs, natatakot sa relaunching ng Oplan Tokhang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Takot ang muling namayani sa naiwang kapamilya ng mga biktima ng nakaraang Oplan Tokhang sa muling pagpapatupad nito araw ng Lunes, ika-29 ng Enero.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Gilbert Billena – spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights na nangangalaga at gumagabay sa mga kapamilya ng mga drug-related killings sa bansa.

Ayon sa Pari, malaking takot ang muling nadama ng kapamilya ng mga namatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ng malamang muling ipapatupad ng Philippine National Police ang naturang kampanya matapos ihinto noong Oktubre ng nakalipas na taon dahil sa pagiging marahas at madugo nito.

Paliwanag ng Pari, sa halip na ang mismong mga ugat ng pagkalat ng illegal na droga sa bansa ang sugpuin ay tanging ang mga mahihirap na drug-users, pushers at runners ang mga napatay sa kampanya na maituturing ring biktima lamang rin ng illegal na droga.

“Ito po yung paninindigan ng Rise Up kasama yung mga biktima mismo mga nanay, tatay at mga anak kung saan ang mga mahal nila sa buhay ay pinaslang. So malaking takot naman nila ngayon na malaman nila na irerelaunch uli ang Tokhang dahil batay sa ating karanasan kung saan talagang madugo ito, madugong kampanya laban sa droga na eventually naging kampanya laban sa mga biktima mismo nitong droga. So napakahirap para sa mga biktima kahit anong ipangalan nila sa kampanya, para sa mga biktima ay magiging madugo kung saan hindi lang hundreds kundi libo-libo ang napaslang nitong kampanya na ito…” pahayag ni Fr. Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Gayunpaman, nilinaw ng Pari na kaisa rin ng pamahalaan ang grupo sa pagnanais na mawakasan na ang talamak na kalakalan ng illegal na droga na isang malaking dagok sa lipunan at sa maraming pamilyang apektado nito ngunit dapat pahalagahan ang buhay ng tao sa kampanya.

Samantala, mariin din nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Philippine National Police (PNP) na hindi na dapat na muling maulit pa ang naging marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan marami ang mga namatay.

Apela ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles dapat na mahigpit na sundin ng mga Pulis ang Standard Operating Procedures at mga bagong guideline o panuntunan na itinakda para sa Oplan Tokhang upang matiyak ang kaayusan at tamang proseso ng batas sa paghimok sa mga may kaugnayan sa kalakalan ng ilegal na droga na sumuko sa mga otoridad.

Matatandaang batay sa pagtataya ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates o PAHRA umabot sa 13-libo ang drug-related killings na naganap sa bansa noong nakalipas na taon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,996 total reads

 1,996 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,335 total reads

 53,335 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,701 total reads

 138,701 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,437 total reads

 185,437 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,308 total reads

 233,308 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,721 total reads

 334,721 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top