Pagbabago sa Saligang batas, malaki ang epekto sa buhay ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,450 total reads

Umapela sa mga Filipino ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) upang masusing suriin, unawain at pagnilayan ang maaring idulot nang pinagtatalunang pagbabago at pag-amyenda ng konstitusyon ng bansa para sa pagsusulong ng Federalism.

Ayon sa AMRSP, hindi dapat na magpadalos-dalos ang bayan sa pagbabago ng Saligang Batas sapagkat mayroon itong direktang epekto sa buhay ng bawat isa.

“We are facing a big challenge to change or not to change our form of government from present unitary system to federalism. We in the Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) call on all concerned Filipino citizens to discern well the will of God for us and for the generations to come. Reckless decisions will surely lead our nation into chaos and bleak future.” pahayag ng AMRSP

Bukod dito, inihayag rin ng AMRSP ang kanilang pangamba na sa patuloy na pagsusulong ng Charter Change at Federalism ay tuluyang malihis ang atensyon ng mga mambabatas at mamamayan sa mga usaping panlipunan na mas kinakailangang tutukan tulad ng problema sa kahirapan, maayos na matitirhan, pagkakaroon ng sapat na trabaho, pangangalaga sa kalikasan, pagpapatatag ng soberenya ng bansa, paghina ng mga institusyong nagsusulong ng demokrasya at patuloy na drug related killings.

“We are concerned that the push for charter change and federalism train will divert our legislators and peoples’ attention from the more pressing problems of poverty and a humane quality of life; of empowerment and entrenched political dynasties; of integrity of creation in the midst of a murderous rampage to pillage and desecrate the environment; of the continuing diaspora of our fellow Filipinos to distant lands and the wholeness and well-being of the family; of the assaults on our national sovereignty and the need to safeguard what is rightfully ours; the systematic massacre of alleged drug addicts and pushers and our right to life; the defiance of the rule of law and the weakening of our democratic institutions; and the insidious attacks on human dignity and human rights.” Dagdag pa ng AMRSP.

Samantala tiniyak rin ng AMRSP ang kanilang pakikiisa sa CBCP sa naging panawagan nito ang kalaaman at pakikisangkot ng mamamayan sa usapin ng pagpapalit ng konstitusyon ng bansa.

Ayon sa AMRSP noong ika-29 ng Enero ay nagsama-sama ang may 42- religious superiors at halos 108-consecrated men and women sa Institute for Religious Formation and Studies (IFRS) upang pagnilayan ang naturang mga usapin ng pagmamadali sa pagpapalit ng konstitusyon sa Federalism at posibleng maging epekto nito.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,744 total reads

 2,744 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,577 total reads

 54,577 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,943 total reads

 139,943 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,679 total reads

 186,679 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,551 total reads

 234,551 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,906 total reads

 335,906 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top