Rosaryo at bibliya, hindi na kailangan sa Oplan Tokhang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Hindi na kinakailangan pang magdala ng mga pulis ng rosaryo at bibliya sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang upang maging mapayapa ang operasyon laban sa illegal na droga.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa plano ng Philippine National Police na pagdadala ng Rosaryo at Bibliya sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang.

Paliwanag ng Pari, magmimistulan lamang na palabas at props ang planong ito ng PNP na sinasabing naglalayong payapang mapasuko ang mga may kaugnayan sa kalakalan ng illegal na droga.

Giit ni Fr. Secillano, kung talagang nais ng mga pulis ang mapayapang implementasyon ng Oplan Tokhang ay kinakailangan lamang sundin ng mga ito ang mga guidelines na kanila mismong ginawa, tamang proseso sa ilalim ng batas at igalang ang karapatan ng bawat indibidwal maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng droga.

“Unang-una ang reason daw nila kaya magdadala sila ng bibliya at saka rosaryo ay para daw summorender peacefully yung ito-Tokhang nila, so sabi ko naman hindi mo kinakailangan magdala ng rosaryo saka bibliya kasi parang theatrics lang yan. Mahalaga dito yung sundin nalang nila kung ano yung tamang proseso at saka may legal rights din naman ang suspect…” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas

Kaugnay nito, noong Lunes ika-29 ng Enero nang muling ipinatupad ng PNP ang Oplan Tokhang matapos itong itigil noong Oktubre 2017 dahil sa naging madugong operasyon ng mga pulis kung saan batay sa tala ng mga human right advocates ay umabot sa higit 13,000 ang nasawi.

Una na ring nanawagan si CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles sa PNP na hindi na dapat muling maulit ang naging marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at kailangang mahigpit na sundin ang Standard Operating Procedures at mga bagong guideline o panuntunan na itinakda para sa Oplan Tokhang.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,662 total reads

 3,662 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,094 total reads

 56,094 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,460 total reads

 141,460 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,196 total reads

 188,196 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,068 total reads

 236,068 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,295 total reads

 337,295 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top