Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabago sa Saligang batas, malaki ang epekto sa buhay ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 1,227 total views

Umapela sa mga Filipino ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) upang masusing suriin, unawain at pagnilayan ang maaring idulot nang pinagtatalunang pagbabago at pag-amyenda ng konstitusyon ng bansa para sa pagsusulong ng Federalism.

Ayon sa AMRSP, hindi dapat na magpadalos-dalos ang bayan sa pagbabago ng Saligang Batas sapagkat mayroon itong direktang epekto sa buhay ng bawat isa.

“We are facing a big challenge to change or not to change our form of government from present unitary system to federalism. We in the Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) call on all concerned Filipino citizens to discern well the will of God for us and for the generations to come. Reckless decisions will surely lead our nation into chaos and bleak future.” pahayag ng AMRSP

Bukod dito, inihayag rin ng AMRSP ang kanilang pangamba na sa patuloy na pagsusulong ng Charter Change at Federalism ay tuluyang malihis ang atensyon ng mga mambabatas at mamamayan sa mga usaping panlipunan na mas kinakailangang tutukan tulad ng problema sa kahirapan, maayos na matitirhan, pagkakaroon ng sapat na trabaho, pangangalaga sa kalikasan, pagpapatatag ng soberenya ng bansa, paghina ng mga institusyong nagsusulong ng demokrasya at patuloy na drug related killings.

“We are concerned that the push for charter change and federalism train will divert our legislators and peoples’ attention from the more pressing problems of poverty and a humane quality of life; of empowerment and entrenched political dynasties; of integrity of creation in the midst of a murderous rampage to pillage and desecrate the environment; of the continuing diaspora of our fellow Filipinos to distant lands and the wholeness and well-being of the family; of the assaults on our national sovereignty and the need to safeguard what is rightfully ours; the systematic massacre of alleged drug addicts and pushers and our right to life; the defiance of the rule of law and the weakening of our democratic institutions; and the insidious attacks on human dignity and human rights.” Dagdag pa ng AMRSP.

Samantala tiniyak rin ng AMRSP ang kanilang pakikiisa sa CBCP sa naging panawagan nito ang kalaaman at pakikisangkot ng mamamayan sa usapin ng pagpapalit ng konstitusyon ng bansa.

Ayon sa AMRSP noong ika-29 ng Enero ay nagsama-sama ang may 42- religious superiors at halos 108-consecrated men and women sa Institute for Religious Formation and Studies (IFRS) upang pagnilayan ang naturang mga usapin ng pagmamadali sa pagpapalit ng konstitusyon sa Federalism at posibleng maging epekto nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 64,707 total views

 64,707 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 64,746 total views

 64,746 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 72,682 total views

 72,682 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 94,838 total views

 94,838 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 112,561 total views

 112,561 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES