Sambayanang Filipino, hinimok na manindigan laban sa mga banta sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Inaanyayahan ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang sambayanang Filipino maging Kristiyano, Muslim,Protestante at iba pang religious sector na manindigan at itaguyod ang buhay na sagradong regalo ng Diyos.

Hinikayat ng mga lider ng Simbahang Katolika ang mamamayan na makiisa sa “Walk for Life” na inorganisa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na isasagawa sa ika-24 ng Pebrero 2018 sa Quirino grandstand o Luneta parade ground para labanan ang mga banta sa buhay tulad ng abortion, ejks, birth control, euthanasia, mga pagpatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at death penalty.

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
“Inaanyayahan po namin kayo sa isang napakahalagang event, Walk for Life, maglakad para sa buhay. At sa ating paglalakad, atin pong itataguyod ang napakahalagang regalo ng Diyos, ang buhay na kalimitan po ay hindi iginagalang.

Ang paglalakad ay sagisag ng buhay. Lumakad po tayo para po sa mga tao, kapatid natin, na ang buhay ay nagkakaroon po, hindi lamang ng problema kundi ng mga banta.

Walk for Life. Ito po ay magaganap sa February 24, 2018 mula alas-kwatro ng umaga hanggang alas-otso ng umaga, sa Quirino Grandstand. Tayo na po. Tumayo, maglakad, Walk for life.”

Lipa Archbishop Gilbert Garcera
Chairman CBCP Episcopal Commission on Family and Life
“Sama-sama tayong sumuporta sa Walk for Life. Mahalaga ang buhay alagaan natin.”

Bishop Dennis Villarojo
Auxiliary Bishop Archdiocese of Cebu
“Sumuporta sa buhay mula sa panginoon, bigay ng panginoon bigyan ng halaga ang buhay maging ang buhay ng kapwa upang maangkin ang kahalagahan ng buhay.”

Bishop Crispin Varquez
Diocese of Borongan
“Sama-sama tayong sumuporta sa Walk for Life ngayong taon. Sana ang ating pakikiisa sa Walk for Life tayo rin ang nagpahayag ng mabuting balita ng Panginoon na igalang at ipagtaguyod ang pagkasagrado ng buhay na biyaya ng Diyos sa bawat isa sa atin.”

Archbishop Rolando Tria Tirona
Archdiocese of Caceres
Chairman-CBCP/NASSA-Caritas Philippines
“Sama-sama tayong sumuporta sa Walk for Life. Huwag niyo pong kalilimutan na ang buhay ay isang paglalakbay at paglalakbay natin ay magiging makabuluhan lamang kung tayo ay may damdamin na ang bawat buhay ay mula sa Panginoon na dapat nating payamanin sa pamamagitan ng ating pagmamahalan at pagtutulungan.”

Bishop Ricardo Baccay
Diocese of Alaminos
Chairman-CBCP Episcopal Commission on Bioethics
“Sana suportahan ninyo ang Walk for Life”.

Bishop Jose Colin Bagaforo
Diocese of Kidapawan
“Mahalaga ang buhay ng bawat tao. Sagrado ang buhay at ang buhay ay biyaya ng Diyos.”

Bishop Arturo Bastes
Diocese Sorsogon
Chairman-CBCP Episcopal Commission on Mission
“Importante ang buhay. Ito ang unang dulot ng Panginoon para atin, kaya mahalaga ang buhay ng tao. Dahil si Kristong nagpadigdi sa sanlibutan tanganing ibigay ang buhay sa kabuuhan ng buhay, buhay na walang hanggan at maski na ang buhay dito sa sanlibutan. Kaya mahalaga sa ating pamahalaan na magrespeto sa buhay ng lahat ng mga tao, lahat ng mga Filipno. Wala sanang ejk, abortion, euthanasia, birth control na nakakasira sa buhay ng tao. Kaya tayong mga kristiyano, lalu mga katoliko na may importante na mensahe ang simbahan na sa panahon ngayon the critical time para sa buhay hindi lamang ang buhay ng tao kundi pati buhay ng kalikasan. Kung wala ang kalikasan, hindi naman mabuhay ang tao. Kaya ang lahat ng nilalang ng Diyos tulad kalikasan, mga tao, mga hayop at iba pa bigyan ng respeto dahil tayong lahat ay may kaugnayan”.

Bishop Reynaldo Evangelista
Diocese of Imus
Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs
“Napakahalaga ng buhay. Ang buhay galing sa Diyos at Siya lamang ang maaring kumuha nito. Kaya alagaan natin ang buhay mula pa sa sinapupunan ng mga ina, ipaglaban natin ang buhay hanggang sa dulo ng ating buhay.Labanan natin ang pagsusulong ng death penalty sa ating bansa.”

Bishop Hubert Mylo Vergara
Diocese of Pasig
Chairman-CBCP Episcopal Commission on Social Communications
“Alam natin ang kahalagahan ng buhay. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay ito ay kaloob lamang kaya kailangan nating pangalagaan. Harinawa po ang ating pagsuporta sa pagkilos na ito ay maging daan para ang buhay mula sa sinapupunan mula sa huling sandali ng buhay ng tao ay mapangalagaan, bigyang halaga ng lahat lalung lalo na sa ating mga pamayanan.”

Bishop Roberto Mallari,
Diocese of San Jose Nueva Ecija
Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education
“Sana pangalagaan natin ang sarili nating buhay, at bigyang halaga ang buhay ng bawat isa. Lalung lalu na ang buhay ng mga bata-mga anak natin, lalut higit ang mga buhay na nasa sinapupunan pa.”

Pagkakaibigan, pinakamabisang daan ng bokasyon-Cardinal Tagle

 4,917 total views

Iginiit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang pagkakaibigan ang isa sa pinakamabisang daan ng bokasyon, sapagkat sa pamamagitan ng mga tunay na ugnayan nagiging buhay at konkretong karanasan ang pagkilala kay Hesus at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinalakay ito ni Cardinal Tagle sa isinagawang Heart to Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, kung saan ibinahagi nina Sr. Mary Joannie Bolisay ng Sisters of Saint Paul of Chartres (SPC) at Fr. Dean Jerome Cruz ng Diocese of Cabanatuan ang mga pagkakaibigang naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa buhay relihiyoso at pagpapari.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na bagama’t mahalaga ang mga vocation promotion materials tulad ng posters, videos, short stories at seminars, mas nagiging makapangyarihan ang personal na ugnayan at buhay na patotoo ng mga taong nagpapakita ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos.

“While we appreciate the use of film, mga short stories na nakikita natin sa TV, yung mga posters announcing a diocese, a seminary, a religious order, they’re all good for giving information. But we should not discount the role of friendship in making the face of Jesus, the face of the Church, real to people,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Sr. Bolisay na ang kanyang pagtugon sa bokasyon ay unti-unting nahubog sa pakikipagkaibigan niya sa mga seminarista ng Maria Asunta Seminary noong siya ay youth coordinator ng Diocese of Cabanatuan.

Ayon sa madre, ang masayang samahan at dedikasyon ng mga seminarista sa paglilingkod ang naging inspirasyon upang makita niya ang kagandahan ng buhay relihiyoso.

“Iyong joyful disposition ng mga seminarians, ‘yun po ‘yung isa sa mga nakahikayat sa akin na pwede naman palang subukan. At sila din po ‘yung nagpakilala sa akin ng congregation kung saan po ako papasok,” ayon kay Sr. Bolisay.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Cruz na ang kanyang bokasyon bilang pari ay nagsimula rin sa pag-anyaya at paggabay ng mga kaibigang altar server at youth ministers noong siya ay nasa high school.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan maging sa patuloy na buhay-paglilingkod, lalo na sa panahon ng mga pagsubok at panghihina ng loob sa ministeryo.

“Truth and charity, magkakambal po ‘yan para sa growing relationship. You have to be truthful and of course you have to be charitable in expressing the truth para po balanse. Kasi kapag truth lang po, baka po masaktan kung walang charity. Pero kung charity lang, baka puro compromise naman po at wala pong truth. Baka po fake friendship na po ‘yun,” saad ni Fr. Cruz.

Sa pagtatapos ng talakayan, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag matakot makipagkaibigan at maging saksi ng pag-ibig ni Kristo, dahil ang mga ugnayang binubuo ngayon ay maaaring maging binhi ng mga bokasyon sa hinaharap.

“The seeds of friendship that you sow now will be the harvest of vocation in the future,” ayon kay Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE XII ang “Sangkay: I have called you Friends (John 15:15),” na naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob sa misyon at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pag-ibig, pundasyon ng tunay pakikipagkaibigan

 5,007 total views

Binigyan-diin ng Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines Father Filemon Dela Cruz Jr., O.P – , ang ‘pag-ibig’ bilang pundasyon ng tunay na pakikipagkaibigan at matatag na ugnayan ng bawat mananampalataya sa kaniyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Ito ay sa kaniyang pagninilay sa session ng “Confessio Peccati et Laudis: Healing and Nurturing Relationships,” na nakatuon sa pagpapanumbalik at pagpapatibay ng mga ugnayan.

Ayon kay Fr. dela Cruz, ang tunay na pagkakaibigan ay nakaugat sa pag-ibig na nag-uudyok sa tao na pahalagahan, ingatan, at alagaan ang kapwa.

Iginiit niyang ang pagmamahal ay hindi lamang damdamin kundi isang desisyon na kilalanin ang dignidad at kahalagahan ng bawat tao, na siyang nagpapatatag sa mga ugnayang humuhubog sa pamayanan ng pananampalataya.

“Friendship is friendship in love, kaya kapag ika’y nagmahal, iingatan mo ang halaga ng isang tao pinapahalagahan mo ang taong yan, kaya mahal kita l, mahalaga ka sakin,” ayon sa pagninilay ni Fr.Dela Cruz

Binigyang-diin din ng pari na ang pagpapahalaga sa kapwa ay nagiging daan upang mapagaling ang mga nasirang relasyon at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa diwa ng pakikinig, pag-unawa, at pagmamalasakit. dahil ang tunay na pagkakaibigan ay naipapakita sa konkretong pag-aaruga at patuloy na pag-akay sa isa’t isa tungo sa pag-ibig ni Kristo.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. dela Cruz na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang kultura ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa loob ng Simbahan, kasabay ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa Evangelization 2033, sa pamamagitan ng paghubog ng mga disipulong handang magmahal, maglingkod, at maghatid ng pag-asa sa kapwa.

Pagkakaibigan, mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo- Papal Nuncio sa mananampalataya

 5,881 total views

Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ang tunay na pagkakaibigan na nakaugat kay Hesukristo ang mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Sa kanyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao, kasunod lamang ng mismong buhay, sapagkat ito ang nagpapatatag sa mga pamayanan at nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakabatay sa pakinabang o pansariling interes kundi sa kalayaan, kabutihang-loob, at tapat na pagmamahal sa kapwa.

“Friendship is truly one of life’s greatest treasures, next only to the gift of life itself. Even wealth without friends feels empty when compared to the joy of good friendship. Friendship strengthens communities and transforms ordinary connections into lasting happiness. Without it, life becomes incomplete and burdensome. This is not merely because we are social beings, but because friendship is a vital bond rooted in freedom, generosity, and goodwill. Friendship is more than duty or utility.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din nito ang turo ni San Agustin na ang tunay na kaibigan ay nananatiling tapat sa anumang kalagayan ng buhay.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagkakaibigan ay higit pang nagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ay nagiging pakikipagkaisa kay Kristo na humahamon sa mga mananampalataya na sama-samang maglingkod, ipagtanggol ang pananampalataya, at pangalagaan ang pagkakaisa ng Simbahan.

“In our mission as Christians, friendship means communion in Christ. Together we strive for the faith, resist false teachings, and guard against discord,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ipinaalala rin ng kinatawan ng Santo Papa na ang sukdulang larawan ng pagkakaibigan ay ipinakita mismo ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng buhay para sa Kanyang mga kaibigan.

Kasabay nito ay binati ni Archbishop Brown si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga obispo, pari, mga nakatalaga sa buhay-relihiyoso, layko, at lalo na ang mga kabataang kalahok sa kumperensya, at hinikayat ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaibigang nagmumula kay Kristo bilang daan sa masiglang misyon ng ebanghelisasyon.

Isinagawa ang 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) noong Hulyo 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas sa Maynila na may temang “Sangkay: I Have Called You Friends” (Jn. 15:15), na naglalayong palalimin ang pakikipagkaibigan kay Hesus at paigtingin ang pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 56,676 total views

 56,676 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 84,968 total views

 84,968 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 130,899 total views

 130,899 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 163,982 total views

 163,982 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 188,654 total views

 188,654 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 157,207 total views

 157,207 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 319,130 total views

 319,130 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top