Condom, bigong mapigilan ang pagkalat ng HIV-AIDS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 406 total reads

Hinimok ni Father Dan Cancino MI – Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare ang mga mananampalataya na gawing huwaran si Hesus sa pagdiriwang ng araw ng pag-ibig ngayong Valentine’s Day.

Ayon sa pari, isang magandang pagdiriwang na nagsabay ngayong araw ang Valentine’s Day at Ash Wednesday dahil ang tunay at ganap na pag-ibig ay naipamalas ni Hesus sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sariling buhay upang matubos ang sanlibutan.

“Itong Valentine’s Day ay secular na celebration, ito’y araw ng pag-ibig, araw ng mga puso, pero kung titingnan natin, itong pag-ibig na ito ay tunay at ganap na ipinakita ng ating Panginoong Hesus… ito’y magandang dapat na pinagsisimulan ng ating imitation ng selebrasyon ng valentine’s day, ang araw ng pagmamahal ay yun mismong pagmamahal ng ating Panginoong Diyos na nagmula sa pagbibigay ng sarili, sakripisyo at ang kanyang matindi at malalim na pagmamahal at relasyon sa ama, sa kanyang pagdarasal.” Pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Pari, upang hindi maging mababaw ang pagdiriwang ng mga mananampalataya sa araw ng pag-ibig ngayong Valentine’s Day ay magandang maiugnay din ito sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma o ang 40 araw na paghahanda sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

“Ito yung napakagandang selebrasyon na hindi lamang yung ating selebrasyon ay napaka secular, magandang ikonekta natin ito sa totoong ibigsabihin ng Holy Lent. Sasamahan natin si Hesus ngayon at ang Diyos within this 40days at siguradong sasamahan din tayo ng ating Panginoon within this 40days in preparation for this celebration of his Paschal Mystery.” Dagdag ni Father Cancino.

Samantala, kinondena naman ni Father Cancino ang mga grupong namamahagi ng condom tuwing buwan ng Pebrero dahil sa pinaniniwalaan ng mga ito na season of Love.

Ayon sa pari, nakadidismaya na hindi lamang iilang grupo dahil maging ang pamahalaan ay isa din sa mga namamahagi ng condom dahil sa paniniwala nang mga ito na mapipigilan ang pagkalat ng sakit na HIV-AIDS.

Giit ni Father Cancino, dapat na suriing mabuti ang paraang ginamit ng pamahalaan upang pigilan ang HIV-AIDS dahil lumabas sa pag-aaral na sa loob ng anim na taon ay bumilis ng 140% ang pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa.

“Kahit na nag-distribute ng condom ang napakaraming grupo, at isa na dito ang ating gobyerno, nakikita natin na tumataas ang kaso ng HIV, magandang pag isipan, yun ba ang totoong proseso para sugpuin ang HIV dito sa ating bansa? Let’s be more evident base, nagdi-distribute ng condom, ngayon tumataas ang HIV parang ang layo noong intervention saka ng ating result.” pahayag ni Father Cancino.

Dahil dito ipinaalala ni Father Cancino na mahalagang balikan ang mga aral ng Simbahang Katolika na pagpapataas ng kamalayan at edukasyon na may kasamang Gospel Values ang kinakailangan upang tunay na mapigilan ang pagkalat ng HIV-AIDS.

“Babalikan kong muli ang tawag ng ating simbahan, education, awareness base on gospel values , , pagpapatatag ng relasyon sa pamilya, pagpapahalaga ng buhay at pagpapahalaga din ng relasyon sa ibang tao, yan ang totoong susi para masugpo itong pandemic na HIV-AIDS na ito.” Dagdag pa ni Father Cancino.

Noong 2017, nanguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na mayroong pinakamaraming bagong kaso ng HIV-AIDS.

Ngayong taon, sinabi ni Father Cancino na nakapagtatala sila ng 31 bagong kaso ng HIV-AIDS kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,321 total reads

 49,321 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,009 total reads

 129,009 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,456 total reads

 162,456 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,754 total reads

 197,754 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,354 total reads

 422,354 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,624 total reads

 37,624 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,513 total reads

 30,513 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top