Makibahagi sa mga usaping panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Dapat makibahagi ang bawat mananampalataya sa mga usaping panlipunan lalu na ang pagtatanggol sa buhay.

Ito ang pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) sa isinagawang misa para sa Ash Wednesday na ginanap sa Radio Veritas Chapel.

“Kaya tayo rin ay dapat na magsisi sa mga pagkukulang natin, hindi lamang po sa ating pagmamalabis. Kaya ang kasalanan ay hindi lang yung ating ginawang masama, kundi ang hindi natin ginawa. Nagpabaya tayo. Mga kabutihan na dapat nating gawin. Kaya kung sinabi mong wala akong kasalanan, okay baka wala kang masamang ginawa. Pero, baka maraming mga mabubuting hindi mo nagagawa,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ayon sa Obispo, ang kuwaresma ay panahon ng grasya at ang bawat isa ay inaanyayahan na makibahagi sa pakikiisa kay Kristo sa kaniyang pagsasakripisyo.

Paliwanag ng Obispo, hindi dapat sayangin ang pagkakataong ibigay ng Diyos sa pagliligtas na sa kaniyang pagmamahal ay inialay Niya ang sariling buhay para sa sanlibutan.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalatayang kristiyano na nagwawaksi ng katiwalian at pagkondena sa kultura ng kamatayan.

Itinakda naman ng simbahang katolika ang pagdaraos ng ‘Walk for Life’ sa Quirino Grandstand sa February 24, alas-4 ng umaga.

Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa Ito ay taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero na pinangunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na ang layunin ay manindigan para sa kasagraduhan ng buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.

Ilan sa mga usapin na tinututulan ng simbahan ay ang extra judicial killings, abortion, same sex marriage, death penalty at ang pagsusulong ng charter change ng kongreso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,293 total reads

 49,293 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,981 total reads

 128,981 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,428 total reads

 162,428 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,726 total reads

 197,726 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,326 total reads

 422,326 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,136 total reads

 16,136 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top