Kuwaresma, spiritual workout sa mga Katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Ang panahon ng Kuwaresma ay maituturing ring spiritual work-out para sa mga Katoliko’t Kristyano.

Ito ang inihayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Ayon sa Obispo, hindi lamang pampisikal na kalusugan ang nararapat na bantayan at pangalagaan ng bawat isa kundi maging ang kalagayang pang-ispirituwal.

Pagbabahagi ni Bishop David, may tatlong spiritual discipline ang rekomendado ng Simbahan upang maging spiritually healthy ang bawat isa tulad ng pag-aayuno, pananalangin at pagbibigay limos o tulong sa mga nangangailangan.

“Mga kapanalig, alam niyo ang tawag ko sa kuwaresma, spiritual work-out, mga tao ngayon mahilig sila na mag-physical work-out, okey healthy ka nga physically but are you healthy spiritually, kaya kung gusto nating mag-work-out spiritually, tatlong spiritual discipline ang rekomendado ng Simbahan, fasting, praying and alms giving…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nga nito maging si Pope Francis ay nanawagan rin sa bawat mananampalataya na labanan ang salot ng pagkakaroon ng saradong puso para sa kapwa lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma.

Dahil dito, una na ring inilaan rin ni Pope Francis ang araw ng Biyernes, ika-23 ng Pebrero na unang linggo sa panahon ng Kwaresma sa pananalangin at pag-aayuno para sa kapayapaan sa gitna ng kaguluhan at karahasan na nagaganap sa iba’t ibang bansa.

Bukod sa mga Katoliko ay hinikayat rin ni Pope Francis maging ang mga Non-Catholics na makiisa sa pananalangin para sa kapayapaan at kaayusan sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,943 total reads

 33,943 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,525 total reads

 70,525 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,736 total reads

 88,736 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,064 total reads

 173,064 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,891 total reads

 208,891 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,310 total reads

 38,310 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top