Kambal na Krus, patunay ng malawak at matatag na debosyon kay Hesukristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Kambal na Krus Ang ika-96 na taong Kapistahan ng Kambal na Krus ay isang mahalagang patunay sa patuloy na pagiging matatag, matingkad at malawak ng debosyon at pananampalataya sa Panginoong Hesukristo.

Ito ang ibinahagi Rev. Fr. Joselino B. Tuazon -Kura Paroko ng St. Joseph de Gagalangin Parish na nangangasiwa sa Kambal na Krus Chapel kaugnay sa pagdiriwang ng ika-96 na taong anibersaryo ng Pagkakatuklas sa Mahal na Patrong Kambal na Krus na may temang “Kambal na Krus: Sagisag ng kalayaan ni Kristo, huwaran ng mga kaparian at mga nag-konsegra ng buhay sa Diyos”.

“Itong ika-96 na pagdiriwang o taon ng Kapistahan ng Kambal na Krus ay isang mahalaga sapagkat ito ay isang debosyon na lumawak at ang pagdiriwang ng Kambal na Krus ay nagpapatunay na ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Hesukristo ay matingkad at matatag…” pahayag ni Fr. Tuazon sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon sa Pari, bagamat walang kambal na krus dahil nag-iisa lamang ang krus na kinamatayan ni Hesus ay sumisimbolo ito na ang krus ay si Hesus at ang bawat mananampalataya ay dapat na may kakambal na kalooban ng tulad ni Hesus na matapang na niyakap ang kanyang Krus.

Dahil dito, hinimok ni Fr. Tuazon ang mga deboto na huwag mag-alinlangang yakapin at pasanin ang kanilang krus sa pang-araw-araw at sundan si Hesus hindi lamang sa kanyang naranasang mga kalbaryo kundi sa kanyang naging tagumpay sa krus sa kanyang muling pakabuhay.

Samantala, umaasa naman si Fr, Tuazon na patuloy pang maging maalab ang debosyon at pananalangin ng mga mananampalataya hindi lamang tungkol sa Kambal na Krus kundi maging sa pagpapahayag ng debosyon kay Hesus sa pamamagitan ng pagkakaisa upang makamit ang katarungan, katotohanan, kapayapaan at kaunlaran.

Naitatag ang Kambal na Krus Chapel noong March 23, 1922 sa pamamagitan ng karpenterong si Crispino Lacandaso.

Ayon sa mga salaysay kasalukuyang pinuputol noon ni Lacandaso ang isang natumbang 100-taong puno ng Sampaloc sa isang bakanteng lote sa Juan Luna St. Gagalangin, Tondo ng kanyang matuklasan ang itim na marka ng krus sa parehong bahagi ng kanyang hinating kahoy.

Pagkaraan nito ay inilagay na ang dalawang kahoy na may marka ng krus sa isang salaming na sisidlan upang maprotektahan mula sa pagkasira at mapanatili ang orihinal nitong anyo mula sa dami ng mga mananampalatayang nais itong makita at maalayan ng panalangin na dahilan upang mabuo ang Kambal na Krus Chapel sa Raxabago Street, Tondo Manila.

Ika-23 ng Marso ang tunay na petsa ng maitatag ang kapilya ngunit karaniwang ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing ikatlong Linggo ng Marso.

Nasa ilalim ang visita ng pangangasiwa ng St. Joseph de Gagalangin Parish na sumasaklaw sa may 7-barangay (Ang barangay 147, 149, 150, 151, 154, 157, 158 at 160).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,314 total reads

 6,314 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,572 total reads

 41,572 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,056 total reads

 78,056 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,267 total reads

 96,267 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,263 total reads

 180,263 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 39,015 total reads

 39,015 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top