Pagtatayo ng casino sa Boracay, tinututulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total reads

Mariing tinututulan ng Simbahang Katolika ang pagtatayo ng casino sa isla ng Boracay, Aklan.

Binigyang diin ni Father Ulysses Dalida – Social Action Center Director ng Diocese of Kalibo na noon pa man ay tinututulan na ng simbahan ang planong pagtatayo ng malalaking negosyo partikular ang hotel-casino sa isla na papatay sa kabuhayan ng mga lokal na residente.

Iginiit ni Father Dalida, mananatili ang posisyon ng simbahan para sa pagpapaigting ng pagprotekta sa kalikasan at sa pagtataguyod ng kabuhayan ng mga mamamayan sa Boracay.

“Kahit na noon pa man, ilang Bishops na ang dumaan [sa amin] ay against na kami dyan,” pahayag ni Father Dalida sa Radyo Veritas.

Kinokondena naman ng Kalikasan People’s Network for the Environment ang pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na posibleng pagtatayo ng dalawang casino sa isla ng Boracay.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng grupo, lumalabas na pagbabalat kayo lamang ng pamahalaan ang ipinakikita nitong pag-aalala sa kalagayan ng kalikasan sa Boracay dahil mayroon itong binabalak na malaking pagkakakitaan.

Dagdag pa ni Dulce ang ginawang pagtatanggal sa mga maliliit na negosyo na sinasabing lumalabag sa environmental compliance ay pagtatanggal lamang ng mga maliliit na kakumpitensya ng papapasuking negosyo ng pamahalaan.

Dahil dito, muling binigyang diin ng KPNE kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagpapa-pogi at simulang higpitan ang mga batas na mangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga kritikal na isla sa bansa.

“The Duterte regime, especially its environment and tourism agencies, should go beyond its ‘papogi’ crackdown and ensure that the development of tourism hubs especially within critical ecosystems is sensitive to local ecological boundaries, cultural development, and local community development. We reiterate our call on the Duterte government to strictly enforce a moratorium on new tourism construction projects and issuance of business permits, including this planned casino.” pahayag ni Dulce.

Sa pagtataya ng KPNE, kung matutuloy ang pagtatayo ng casino ay ang average na bilang na 781 turista kada araw ay tataas sa 4,224 na bisita, at inaasahang doble o triple pa ang malilikhang kalat ng mga taong dadayo sa isla ng Boracay araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 9,584 total reads

 9,584 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 91,576 total reads

 91,576 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,025 total reads

 125,025 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 160,324 total reads

 160,324 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 386,575 total reads

 386,575 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,999 total reads

 36,999 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,890 total reads

 29,890 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top