Pagtatanggol sa kalikasan, paiigtingin ng Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Pinasalamatan ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg ang Gawad Bayani ng Kalikasan na humirang sa kanya bilang isa sa mga natatanging indibidwal na nagtatanggol sa kalikasan.

Ayon sa Arsobispo, hindi naman labis ang kanilang mga ginagawang pamamaraan ng pangangalaga sa kalisakan subalit tinitiyak nitong tututol sa simbahan sa mga industriyang sumisira sa kapaligiran.

“Nung nakaraan matindi yung black sand mining, illegal logging at tinatangkang pagtatayo ng coal plant. Talagang kinalaban namin yun kasi alam namin talagang nakakasira sa kalikasan.” pahayag ni Abp. Utleg sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga destructive industries na una nang napahinto sa lalawigan ng Tuguegarao ang black sand minng, illegal logging, small scale mining at pagtatayo ng coal fired power plant.

Ayon kay Archbishop Utleg, tiyak na hindi pa rin nagtatapos ang mga banta sa kalikasan sa kanyang Diyosesis kaya naman tinitiyak nitong magiging malakas ang paninindigan ng simbahan para sa proteksyon ng kalikasan at ng mga taong nakadepende rito.

Samantala, ibinahagi naman ni Owen Migraso, Executive Director of Center for Environmental Concerns at isa sa mga grupong nag organisa ng Gawad Bayani ng Kalikasan, na binuo ang ganitong parangal upang kilalanin ang mga unang nakikipag laban at nagpoprotekta sa kalikasan.

Paliwanag ni Migraso, mga magsasaka, mangingisda at mga lokal na residenteng naninirahan sa lugar at unang nakararanas ng pagkasira ng kapaligiran ang mas dapat na kilalaning mga bayani ng kalikasan, dahil sa kanilang pambihirang pagmamahal at debosyon sa pagpapanatili ng balanse sa kanilang lugar.

“Sa sangkatutak na mga parangal mga environmental awards natin, sila dapat ang ating nirerecognize, sila dapat ang ating pinaparangalan, yung mga nasa frontline defenders ng environment, kaya nabuo ang gawad bayani ng kalikasan.” Pahayag ni Migraso sa Radyo Veritas.

Ang Gawad Bayani ng Kalikasan ay isinasagawa kada dalawang taon, at ngayong 2018 ang ika-limang taon na isinagawa ito ng iba’t-ibang grupo ng mga environmentalist kabilang sa mga indibidwal na naparangalan sina Bai Bibiaon Ligkaian Bigkay isang Talaingod Manobo sa Davao, si Josefina Panginen- Chairperson ng Panlalawigang Alyansa ng mga Magbubukid sa Aurora o PAMANA, si Archbishop Sergio Utleg D.D. ng Arkidiyosesis ng Tuguegarao, at si Francis Morales na dating mula sa Farmer-Scientist group na MASIPAG.

Ang mga grupo naman na pinarangalan ay ang Central Luzon Aeta’s Association, People Surge, at Center for Lumad Advocacy, Networking and Services.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,219 total reads

 55,219 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,598 total reads

 134,598 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,043 total reads

 168,043 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,341 total reads

 203,341 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,650 total reads

 427,650 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,758 total reads

 37,758 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,647 total reads

 30,647 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top