1,508 total views
Inanyayahan ni dating CBCP-Presient Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga pari, relihiyoso at consecrated persons na maging gabay at samahan ng mga naisasantabi sa lipunan.
Ayon kay Archbishop Villegas, kailangan maging gabay at kaakibat ang bawat isa sa mga sumisigaw ng katarungan, mga biktima ng pagpaslang.
Hinamon din ng Arsobispo ang mga pari, relihiyoso at consecrated person na gabayan din ang mga taong pumapaslang at naging dahilan ng pighati ng iba dahil ang paggabay ay isang paraan ng pagmamahal.
Accompaniment “We want to accompany those who killed we will accompany those who have been killed. We will accompany those who suffer we also give companionship to those who caused us suffering because accompaniment is another way of loving. We need to accompany because Jesus accompanied us all these years,” bahagi ng sa homiliya ni Archbishop Villegas.
Sinabi ng arsobispo na tulad ng lahat, tayo ay patuloy pa ring ginagabayan ng Diyos sa ating pamumuhay.
Ipinaalala din ni Archbishop Villegas na hindi dapat malimutan ang paghangad ng bawat isa na humingi ng gabay at tulong sa kapwa dahil tulad ng ibang tao maging ang mga relihiyoso, pari at consecrated persons-ay naliligaw at nakakalimot sa kabila ng paggabay sa mga nangangailangan.
“Because our accompaniment to one another may it be in pilgrimage, may it be in procession towards life everlasting comes from the fact that God has accompanied us and we are always a people that needs accompaniment because in many parts, chapters in history we have been lost. We have been lost we have strayed,” ayon pa kay Archbishop Villegas.
Happiness and Holiness
Binigyan diin ni Archbishop Villegas na hindi ipinagbabawal ang pagiging masaya sa panahon ng Kuwaresma at Mahal na Araw.
Gayunman ang kagalakang ito na mula sa Diyos ay kakaiba na hindi mula sa material na bagay kundi ang hatid na kagalakan ng pagtulong at pagmamalasakit sa ating kapwa.
“Because holiness and happiness go together. But the happiness that we offer to the world is a different kind of happiness. It is not happiness of the fiesta, it is not the happiness of the party it is not the happiness of eating and drinking and be merry, it is not that kind of happiness. What is the happiness that we offer to the world as we accompany our grieving brothers and sisters it is the happiness that comes from Jesus,” ayon pa sa arsobispo.
Three ways to be happy
Ipinaliwanag ng arsobispo na may tatlong paraan para maging masaya ang tao: Una ay ang mangarap ng matayog, ang asamin na maging isang Santo- na siyang dapat hinangad ng bawat isa.
Ikalawa ay ang pagsunod dahil ang pagsunod ay may kaakibat na kasiyahan. Dagdag pa ni Archbishop Villegas na ang taong galit hindi kailanman magiging masaya.
At ang ikatlo kung nais na makamit ang kasiyahan ay magmahal dahil ang paghinto sa pagmamahal ay magdudulot ng pagtigas ng puso na kahit biyaya ng Panginoon ay hindi makakapasok.
Ang pagninilay ni Archbishop Villegas ay kaugnay na rin sa isinagawang Confessio Pecati na idinaos sa Sto. Domingo church na inorganisa ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines bilang bahagi ng paggunita ng Kuwaresma at Semana Santa na nakapabaloob din sa pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Year of the Clergy.
Matapos ang penitential rites ay nagsagawa ng Penitential Walk ang AMRSP at lahat ng dumalo sa pagtitipon kung saan sa bawat istasyon ng Krus ay pinagninilayan ang mga usaping at ang mga taong naisantabi na kailangan kaligain ng simbahan, kabilang na dito ang usapin ng magsasaka, pagmimina, inter-religious dialogue, kabataan at kababaihan, manggagawa, mga lulong sa droga, human trafficking, mga migrante maging ang mga bilanggo sa piitan.
“Let us accompany one another. This is not a race this is not a contest it is walking together as companions with Jesus and for Jesus. Happy companions…companions with big dreams. Companions to obey always, companions to care much. That is what the world needs and that is what the world expects from us and that is the best gift we can give to the Philippines now,” ang tagubilin ni Archbishop Villegas.
Ang AMRSP ay binubuo ng higit sa 300 congregasyon sa buong bansa.