Kapatawaran sa pang-aabuso ng kalikasan, panalangin ng Obispo ng Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,446 total reads

Ito ang panawagang dasal ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay na rin sa magkasunod na malakas na lindol na tumama sa North Cotabato.

“Humihingi po kami ng kapatawaran sa lahat ng aming pagkakamali. Sa maraming pagsuway namin sa Iyong utos at aral. Patawad po aming hindi paggalang sa kasagraduhan ng ng buhay. Sa aming pag-abuso at pagsira ng kalikasan,” bahagi ng panalangin ni Bishop Bagaforo.

Dasal pa ng obispo ang kaligtasan ng bawat mamamayan lalu na ang mga bata, matatanda at may sakit.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Bagaforo na patuloy pa ring nangangamba ang mga residente ng North Cotabato makaraan ang naganap na 6.6 magnitude na lindol, Martes ng umaga.

“Simula kahapon (Martes), hanggang kagabi at ngayong umaga mayroon pa ring tremors na malalakas. Maraming hindi nakatulog dahil sa pangamba at baka may dumating pa na malakas na lindol,”ayon kay Bishop Bagaforo.

Ilan ding mga pamilya ang kasalukuyang nasa mga evacuation centers lalu’t nasira ang kanilang mga tahanan.

Sa Tulunan may higit sa isang libong pamilya ang nananatili sa evacuation center tulad ng municipal gymnasium at mga paaralan.

Ginamit ding ‘evacuation area’ ang gym ng parokya sa Makilala habang may 15 pamilya rin ang nasa kidapawan formation center.

Bukod sa malakas na pagyanig, patuloy din ang malakas na pag-ulan sa North Cotabato bagama’t naibalik na sa normal ang suplay ng kuryente.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, bukod sa dalawang simbahan sa tulunan at makilala wala namang mga simbahan at parochial schools sa North Cotabato ang naiulat na labis na napinsala ng lindol.

“Naka-receive ako ng reports sa lahat ng mga parish priests na dito sa Kidapawan walang major damages talaga na masabi natin na infrastructure ang tinamaan. Pero maraming mga nasira na mga inside structures halimbawa, cabinet, shelves, mga salamin mga nahulog at nabasag,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 17,276 total reads

 17,276 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 35,492 total reads

 35,492 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 75,324 total reads

 75,324 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 109,451 total reads

 109,451 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 165,857 total reads

 165,857 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 32,739 total reads

 32,739 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top