Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Edukasyon sa masamang epekto ng droga, isasagawa ng CBCP.

SHARE THE TRUTH

 941 total views

Magsasagawa ng malawakang information campaign sa masamang epekto ng paggamit ng illegal na droga ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth.

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-ECY, patuloy ang pagpupulong na isinasagawa ng CBCP upang makatugon ang bawat komisyon ng simbahan sa malaking problema sa droga ng bansa.

Sa panig ng Commission on Youth, sinabi ni Father Garganta na kanilang ilulunsad ang nationwide information campaign para ipaalam sa mga kabataan ang masamang epekto ng illegal na droga sa kanilang sarili, pamilya at maging sa lipunan.

“Information dissemination, meron pa ring mga bagay na hindi talaga malinaw pagdating sa epekto ng droga at paano maiinvolve ang community in terms of addressing the issue. Awareness campaign, meron pang gap na malaki doon tungkol sa pag-intindi sa usapin ng droga. Yun ang isa sa concretely but specifically na nakikitang step to be able to be of help to widely disseminate ng issue,” pahayag ni Father Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tala na inilabas ng Philippine National Police, simula noong Hulyo noong nakaraang taon hanggang Enero 2017, umaabot na sa higit 50 libo ang isinagawang police operations.

Mahigit sa pitong libo ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan kung saan humigit-kumulang sa tatlong libo ang napatay sa police operations habang umaabot sa 40-libo ang naipakulong.

Tiniyak naman ng Simbahan ang suporta laban sa illegal na droga, bagama’t patuloy ang panawagan na itigil na ang pagpaslang sa halip ay paigtingin ang programa para sa pagpapanibago ng mga taong inuugnay sa droga.

Sa panig ng simbahan, itinatag ang Sanlakbay-isang community based drug rehabilitation program na siya ring ginagawa ng iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-sumuko-sa-mga-naligaw-ng-landas-sa-droga-cardinal-tagle/

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 39,715 total views

 39,715 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 47,196 total views

 47,196 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 60,336 total views

 60,336 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 66,309 total views

 66,309 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 72,061 total views

 72,061 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Marian Pulgo

Caritas Philippines, tuloy ang relief operations sa sinalanta ng bagyo at baha

 926 total views

 926 total views Patuloy ang pagiging abala ng simbahan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. Ayon kay Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, patuloy pa rin ang relief operation ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga diyosesis ng Virac, Legazpi, Caceres, at Libmanan na

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Decree of the Apostolic Penitentiary on the granting of special Indulgences to the faithful in the current pandemic, 20.03.2020

 901 total views

 901 total views Decree of the Apostolic Penitentiary on the granting of special Indulgences to the faithful in the current pandemic, 20.03.2020   The gift of special Indulgences is granted to the faithful suffering from COVID-19 disease, commonly known as Coronavirus, as well as to health care workers, family members and all those who in any

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Enchanced Community Quarantine, bigo kapag nagugutom ang mamamayan.

 920 total views

 920 total views March 19, 2020, 12:28PM Bigyang katiyakan na hindi magugutom ang sambayanang Filipino. Ito ang panawagan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa upang epektibong maipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Naniniwala ang Obispo na pangunahing dahilan ng mga taong hindi sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan ay dulot ng pag-aalala na walang makakain ang

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Kapatawaran sa pang-aabuso ng kalikasan, panalangin ng Obispo ng Kidapawan

 949 total views

 949 total views Ito ang panawagang dasal ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay na rin sa magkasunod na malakas na lindol na tumama sa North Cotabato. “Humihingi po kami ng kapatawaran sa lahat ng aming pagkakamali. Sa maraming pagsuway namin sa Iyong utos at aral. Patawad po aming hindi paggalang sa kasagraduhan ng ng buhay.

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

17 bagong Obispo, ipinakilala sa 119th CBCP plenary assembly

 886 total views

 886 total views Labing pitong bagong Obispo ang dumalo sa katatapos lamang na 119th plenary assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang 17 bagong Obispo ay itinalaga ni Pope Francis sa nakalipas na dalawang taon. Sa katatapos lamang na

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Maging gabay at kaakibat ng mga naisasantabi sa lipunan

 902 total views

 902 total views Inanyayahan ni dating CBCP-Presient Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga pari, relihiyoso at consecrated persons na maging gabay at samahan ng mga naisasantabi sa lipunan. Ayon kay Archbishop Villegas, kailangan maging gabay at kaakibat ang bawat isa sa mga sumisigaw ng katarungan, mga biktima ng pagpaslang. Hinamon din ng Arsobispo ang mga

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Makiisa sa paglalakbay pananampalataya,pag-asa at pag-ibig -Cardinal Tagle.

 882 total views

 882 total views Sa nalalapit na pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay hinihikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis ang bawat mananampalataya na makiisa sa paglalakbay pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng Easter at panawagan sa lahat na makiisa sa

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Senate inquiry sa Marawi siege, hiniling

 931 total views

 931 total views Hiniling ng isang grupong Muslim sa Marawi City sa Senado ang pagkakaroon ng Senate inquiry sa naganap na digmaan sa lungsod na umabot ng limang buwan. Ayon kay Agakhan Shariff, pinuno ng Dansalantao sa Kalilintan Movement ng Marawi, dapat matukoy kung sino ang may pagkukulang kung bakit nalusob at nakubkob ang lungsod ng

Read More »
Politics
Marian Pulgo

Tulungang magbagong buhay ang mga nagkasala sa halip na patayin.

 984 total views

 984 total views Ang lahat ay may karapatang mabuhay, magbalik loob at maging kapakipakinabang sa lipunan. Ito ang panuntunan ng Facenda da Esperanza kaugnay na rin sa kanilang pagkalinga sa mga taong nalulong sa masamang bisyo. Ayon kay Cathlyn Meneses ng Facenda da Esperanza, taong 2005 nang itatag ang Facenda sa Naga at Masbate na tinatayang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Prelatura ng Isabela de Basilan, nangangailangan ng Missionary help

 1,182 total views

 1,182 total views Nananawagan ng tulong ang dating Obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan para sa pangangailangan ng mga pari at madre. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, dating Obispo ng Basilan, hirap ang mga pari at madre sa lugar lalo’t kaunti lamang ang mga katoliko na maaring makatulong sa mga pangangailangan ng Simbahan sa

Read More »
Uncategorized
Marian Pulgo

Mga Ina, mapagmahal at nagbibigay buhay.

 882 total views

 882 total views Ang pagmamahal ng isang ina sa anak ang pinakamalapit na sa pag-ibig ng Diyos. Ito ang mensahe ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagdiriwang ng Mothers day lalo na sa mga Ina na Overseas Filipino Worker. “Palagi ko pong sinasabi na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top