Caritas Philippines, tuloy ang relief operations sa sinalanta ng bagyo at baha

SHARE THE TRUTH

 2,200 total views

Patuloy ang pagiging abala ng simbahan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.

Ayon kay Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, patuloy pa rin ang relief operation ng social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga diyosesis ng Virac, Legazpi, Caceres, at Libmanan na pawang sinalanta ng Super Typhoon Rolly.

“Practically Bicol area and southern Luzon dahil sa sunod-sunod na typhoon Pepito, Quinta, Rolly dinagdagan ng Ulysses. But our dioceses are doing their relief operations. Marami namang sumusuporta, mga iba’t-ibang dioceses our giving their support. So, it’s a good development, tulong-tulong ang mga simbahan ang ating mga diyosesis,” ayon kay Fr. Labiao sa panayam ng Radio Veritas.

Gayundin sa Gumaca, Infanta at Lipa Batangas na higit muling nasalanta dahil sa bagyong Ulysses.

Ayon kay Labiao, ang ginagawa ng Caritas Philippines ay bukod pa sa mga Diocesan relief operation ng mga diyosesis na naapektuhan ng mga bagyo tulad ng Pepita, Quinta, Rolly at Ulysses.

Nagpapasalamat din ang pari dahil na rin sa pakikiisa ng iba’t ibang diyosesis sa buong bansa para magbigay ng tulong sa mga diyosesis sa Luzon na napinsala ng mga bagyo.

Nagpapalamat din ang Caritas Philippines sa pagtugon ng Caritas International sa panawagang emergency appeal para sa mga nasalanta.

“Marami tayong Caritas, yung Europe, sa Asia na tumutulong ngayon sa emergency appeal ng Caritas Philippines and I am happy na Caritas Germany, Caritas UK, Caritas Española, Italya are partnering with us for the emergency appeal especially hindi lang sa relief kundi sa early recovery,” ayon kay Fr. Labiao.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na rin ng relief efforts ang Caritas Philippines sa mga binahang lugar sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

“Nagbigay na rin tayo ng tulong sa dalawang diocese na ito financially and then bukas, we will be delivering around more than four thousand rice pack with 10 kilos each for Tuguegarao. So ito ay magandang development, marami na ring mga dioceses natin ang nagpapadala ng tulong dito sa dalawang diocese na tinamaan din ng bagyong Ulysses. Baha ang nakasira sa kanila dito. It’s really flood, hindi lang tubig kundi putik,” dagdag pa ng pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,938 total views

 8,938 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,582 total views

 23,582 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,884 total views

 37,884 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,655 total views

 54,655 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,136 total views

 101,136 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top