Maigsing curfew hours para sa tradisyunal na Misa de Gallo at Simbang gabi, pinayagan ng LGUs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 966 total views

Nagagalak at nagpasalamat ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pasya ng mga alkalde ng Metro Manila na ibaba ang oras ng curfew upang bigyang daan ang tradisyunal na misa de gallo at Simbang gabi.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ito rin ay resulta sa pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa LGUs partikular sa Manila.

“Natutuwa tayo for this consideration. Bahagi na ito ng pinag-uusapan namin ni Yorme [Mayor Isko Domagoso] a month ago,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batay sa anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na gawing alas-dose hanggang alas-tres ng madaling araw ang curfew hours.

Ito ay upang bigyang daan ang mananampalataya na makadalo sa Simbang Gabi at Misa de Gallo, ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

Ipatutupad ang revised curfew hours sa unang araw ng Disyembre batay na rin sa napagkasunduan.

Naunang nagpasa ng ordinansa ang lungsod ng Maynila noong Oktubre na hanggang alas tres ng umaga na lamang ang curfew bilang tugon sa kahilingan ng simbahan.

Ipinag-utos na rin ng arkidiyosesis sa mga nasasakupang simbahan na magdagdag ng oras ng mga misa sa simbang gabi at misa de gallo upang mabigyang pagkakataon ang iba pang mananampalataya na makadalo ng banal na misa.

Sa kasalukuyan ay nasa 30 porsyento pa rin ang pinapayagang makadadalo sa mga pagtitipon sa simbahan alinsunod sa panuntunan ng general community quarantine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 9,859 total views

 9,859 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 31,864 total views

 31,864 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 56,206 total views

 56,206 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 80,287 total views

 80,287 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 115,426 total views

 115,426 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top