Caritas Manila, pinasalamatan ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Pinasalamatan ni Father Bede Lee, Social Action Center Director ng Diocese of Baguio at Director ng Our Farmer’s Haven sa Benguet, ang Caritas Manila at Caritas Margins sa pagtulong sa mga magsasaka ng Benguet na madala sa merkado ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Father Lee, isang malaking biyaya para sa mga magsasaka ang patuloy na pagtangkilik sa kanilang mga organic na pananim, dahil ito ang ang kanilang pangunahing pinagkakakitaan.

Dagdag pa ng Pari, bukod sa makatutulong sa mga magsasaka ang pagbili ng kanilang produkto ay malaki rin ang mabuting maidudulot ng mga gulay sa mga mamamayan sa Metro Manila.

“Thank you for Manila Caritas, without your help, it will be hard for us to move on in Manila, since our farmers are located in Benguet a remote area so this is our mission to promote more our organic production to encourage the farmers so we can also make a linkage with the consumers who are expecting healthy food for Manila based.” pahayag ni Father Lee sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok naman ni Maya Arcega – Sales and Marketing Officer ng Caritas Margins ang bawat isa na bisitahin ang Buy and Give Bazaar ng Caritas Margins sa Vista Mall Activity Center, Taguig City na magtatapos bukas ika-14 ng Abril, 2018.

Ipinaliwanag nito na bukod sa makatitipid ang mga tao sa murang bilihin, ay marami rin ang mga mahihirap na matutulungan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa Caritas Margins.

“Pagbumili po tayo ng mga products ng Caritas Margins hindi lang tayo magkakaron ng mga bagong gamit, hindi lang tayo nagkakaroon ng masarap na pagkain, nakakatulong po tayo dun sa ating mga workers, sa ating 1500 na mga beneficiaries ng ating mga communities and micro-enterprise. At itong mga empleyado rin dito ay mga volunteer na natutulungan din natin kasi nakakapag-provide din ng employment ang Caritas Margins, tapos nakakatulong din po tayo sa scholars.” Pahayag ni Arcega sa Radyo Veritas.

Taong 2011 nang itatag ng Caritas Manila ang Caritas Margins upang matulungan ang mga micro-entrepreneurs.

Sa kasalukuyan, bukod sa mga Bazaar ay mayroon nang 9 na permanent stores ang Caritas Margins.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 50,680 total reads

 50,680 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 72,881 total reads

 72,881 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 109,377 total reads

 109,377 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 330,004 total reads

 330,004 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 361,748 total reads

 361,748 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 387,051 total reads

 387,051 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top