Mayor,Governor at Congressmen, hinimok na huwag makialam sa BSK election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,798 total reads

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa mga Mayor, Governor at Congressman na huwag makialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay DILG Undersecretay Martin Diño, in-charged ng BSK elections, dapat nang ipaubaya ng mga Mayor at Governor ang laban ng mga kandidato sa Baranagay at huwag na itong haluan ng kanilang impluwensya.

Dagdag pa ni Diño, mas mabuti rin na ang mamamayan na ang magdesisyon sa kanilang ibobotong mga kapitan, kagawad at SK sa Barangay at hindi na sila maimpluwensyahan pa ng ilang mga kasalukuyang opisyal ng bansa.

“Nakikiusap kami sa mga Mayor at Congressman, yung mga Governor ay huwag na silang makialam sa halalang pambarangay, hayaan na nating mamili ay ang mga botante sa Barangay,” bahagi ng pahayag ni Diño sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Diño na kung hindi makikiaalam ang ibang mas mataas na opisyal sa pamahalaan ay mababawasan din ang mga nagaganap na political harassments ngayong panahon ng pangangampanya.

Ayon kay Diño, tinatayang 22 na ang naitala ng DILG na election related violence bukod pa ang mga harassments na iniuulat din sa kanilang tanggapan.

Sa tala naman ng Commission on Elections 684,785 ang mga kumakandidato ngayon sa Barangay Elections habang 386,206 naman ang tumakbo para sa mga pwesto sa Sangguniang Kabataan Elections.

Umaasa naman ang Simbahang katolika sa pamamagitan ng election watchdog nitong Parish Pastoral Council for Responsible Voting na sa maayos na pagpili ng mamamayan sa kanilang magiging pinuno ay magmumula sa Barangay na itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamamahala sa bansa ang pagbabagong matagal ng hinahangad ng mga mamamayan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 90,737 total reads

 90,737 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 124,186 total reads

 124,186 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,485 total reads

 159,485 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,755 total reads

 385,755 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 274,422 total reads

 274,422 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,987 total reads

 36,987 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,878 total reads

 29,878 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top