Madugong dispersal sa Kidapawan City, iniimbestigahan na ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total views

Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights CHR ang marahas at madugong dispersal sa mga magsasakang nagpo-protesta sa Kidapawan City sa North Cotabato.

Ayon kay CHR chairperson Jose Luis Chito Gascon, may pauna na silang report mula sa binuong fact finding team subalit hindi na muna inilahad ang resulta lalot kailangan pa nilang malaman ang tunay na nangyari at kung sino-sino ang dapat managot.

Posibleng sa katapusan ng linggong ito magpalabas ng initial report ang CHR hinggil sa insidente.
Partikular na iniimbestigahan din ng CHR ang ulat na gumamit ng live ammunition ang mga pulis sa kanilang dispersal.

“Nasa gitna kami ng imbestigasyon at ang aming unang team noong Biyernes, andun nag-interview sa ibat ibang saksi para kumuha din ng datus sa LGUs’, may forensic team din kami na pupunta sa Kidapawan, aalamin din natin kung totoo na gumamit ng live ammunition ang mga pulis, pag crowd dispersal ang pinag-uusapan, trabaho ng pulis na maging maayos ito, maari silang gumamit ng pwersa thru non lethal method of use of effort, kung gumamit sila ng live ammunition,aalamin natin yan,” ayon kay Gascon sa panayam ng Radyo Veritas.

Magugunitang limang magsasaka ang ang namatay habang marami pa ang sugatan sa madugong pagtaboy sa kanila ng magsagawa sila ng pagharang sa mga pangunahing kalsada matapos na hindi maibigay ng gobyerno ang kanilang subsidiya sa bigas.

Nagprotesta ang may limang libong mga magsasaka dahil sa pagkagutom bunsod na rin na hindi sila makapagtanim dahil sa epekto ng El Nino.

Sa ulat ng Pagasa, mahigit na sa 60 ang lalawigan na apektado ng El Nino sa bansa karamihan nito nasa Mindanao.

Una ng nanawagan ang Santo Papa Francisco sa kanyang encyclical on ecology na Laudato Si na pangalagaan ang kalikasan para malabanan ang malalang epekto ng Climate change gaya ng El Niño at La Niña

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,478 total views

 18,478 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,492 total views

 68,492 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,361 total views

 64,361 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,363 total views

 100,363 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,075 total views

 108,075 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 81,984 total views

 81,984 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,615 total views

 271,615 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top