CFC-FFL, Kinundena ang Pagpatay sa mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 832 total reads

Mariing kinondena ng Couples For Christ Foundation for Family and Life o CFC-FFL ang madugong pagpaslang sa tatlong Pari ng Simbahang Katolika.

Ayon sa grupo, sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas kung saan malaki ang naging bahagi ng Simbahan dahil sa pagiging Martir ng tatlong paring sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora, ay nagdadalamhati ang Inang Simbahan dahil sa nakababahalang pagpaslang sa kanyang mga Pastol.

“Today has become a day of mourning for the Bishops and the Clergy. We, the Couples for Christ Foundation for Family and Life (CFC-FFL), a duly recognized Catholic community of the lay faithful, stand in solidarity with our Bishops and the Clergy, for the alarming gruesome killings of three Catholic Priests: Fr. Richard Nilo is the third Catholic priest to be murdered in the recent months. Fr. Tito Paez in December 2017, Fr. Mark Anthony Ventura in May 2018.” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Iginiit ng CFC-FFL na labis na ang ginagawang paglapastangan sa Simbahang Katolika at ang mga paring pinaslang ay malinaw na walang kinalaman sa Iligal na droga o anumang Krimen na lumalaganap sa lipunan.

Naninindigan ang grupo na hindi mananahimik ang Simbahan sa Kawalang Katarungang umiiral ngayon sa Lipunan.

Anila, ang misyon ng bawat mananampalataya na pagpapalaganap ng turo ng Panginoong Hesukristo ay hindi lamang dapat sa pamamagitan ng mga salita kundi sa pamamagitan ng mga gawa.

“We cannot remain silent as we preach the mission of Our Lord Jesus Christ and see all these savage acts happening to our country. The Gospel of God’s love for man, the Gospel of the dignity of the person, and the Gospel of Life are a single and indivisible Gospel.” Dagdag pa ng grupo.

Matatandaang noong Disyembre 2017 ay pinaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng mga hindi pa nakikilalang salarin at wala pang isang taon ay sinundan agad ito ng pagpatay kina Rev. Fr. Mark Ventura noong Mayo 2018 at Rev. Fr. Richmond Nilo ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 120,037 total reads

 120,037 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,444 total reads

 257,444 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 373,220 total reads

 373,220 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,885 total reads

 488,885 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,193 total reads

 47,193 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,728 total reads

 76,728 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,572 total reads

 69,572 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top