Pagkakapaslang sa Pari, magbubunga ng mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 675 total reads

Rosaryo at Prayer book ang tanging tangan ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa kabila ng sunod-sunod sa pagpaslang sa mga pari..

“Wala rosaryo lang ano pa ba? At prayer book yung Breviary. God’s will be done” ayon sa obispo.

Ayon kay Bishop Bacani, ito ang hindi niya kinakalimutang dalhin sa tuwing lalabas ng silid dahil ipinapaubaya na niya sa Panginoon ang kaniyang buhay.

“I have no special pre-caution. Pag naglagay ako ng proteksyon papatayin din lang nila. di dadami pa… mabuti kung papatayin nila ako targetin na lang akong mag-isa. Hindi ko naman hinahanap ‘yun. Pero kung mangyari salamat sa Diyos, harinawa na lang na kung mangyari ‘yun ginagawa ko naman ang kaniyang kalooban,” ayon kay Bishop Bacani.

Ayon sa obispo, ang kalooban ng Diyos ang masusunod sakali mang may magtangka rin sa kaniyang buhay tulad na rin sa nangyaring pagpaslang kina Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan na kilalang tagapagtanggol ng pananampalataya; sina Fr. Mark Anthony Ventura ng Tuguegarao at Fr. Marcelito Paez ng San Jose, Nueva Ecija ay nagsusulong naman ng pangangalaga sa kalikasan at tagapagtanggol ng mga manggagawa.

Sinabi ng Obispo na ang pagkamatay ng mga paring ito ay magbubunga ng mabuti dahil kanilang sinikap na sundin ang kalooban ng Diyos at paggawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.

“Pagka ikaw ay nagiging pari handa ka sa lahat. Handa ka talagang maging katulad ni Kristo maging hanggang sa pag-aalay ng buhay,” dagdag pa ng Obispo.

Si Bishop Bacani ay hayagan naman ng pagsusulong ng mga adbokasiya ng simbahan tulad ng pagkondena sa extra judicial killings at pagtatanggol sa kasagraduhan ng buhay.

Sa hiwalay na pahayag, hindi rin sang-ayon si Bishop Broderick Pabillo-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) sa panukalang mag-armas ang mga pari.

“Hindi naman ‘yan paraan para ipagtanggol ang kanilang sarili. Ang mga pari ay handa sa anumang mangyari sa kanila. Pero hindi ang pakikipaglaban, hindi ‘yan ang solusyon,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nanawagan din ang obispo hindi lamang sa mga pari kundi maging sa mga layko na mag-ingat subalit patuloy na manindigan para sa katotohanan at huwag matakot para isulong ang katarungan at kabutihan ng lahat sa kabila ng banta ng karahasan.

“Dapat mas maging maingat at dapat ang mga tao ay hindi magpabaya at mas maging vocal sa paninindigan para sa katotohanan at para sa kabutihan. Kasi kung magpapabaya tayo ung mga tao gagawin nila ang gusto nilang gawin kahit na masama. Panawagan sa lahat ito na mas maging vigilant ang mga tao at dapat manindigan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa panukalang pag-aarmas sa mga pari.

Ayon kay Archbishop Valles, kaakibat ng pagiging pari ang pagharap sa panganib at kamatayan nang dahil sa misyon ng simbahan.

Tinatayang may higit sa 10,000 ang kabuuang pari sa buong bansa, kabilang na dito ang may 140 mga obispo mula sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 4,934 total reads

 4,934 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 10,124 total reads

 10,124 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 125,902 total reads

 125,902 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 246,482 total reads

 246,482 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 296,280 total reads

 296,280 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 66,735 total reads

 66,735 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top