Mga Pari, hindi target ng anumang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang grupo na target ang mga pari.

Ayon kay PSSupt. Benigno Durana Jr. tagapagsalita ng PNP, wala silang impormasyon na nakukuha na may grupong hangad na patayin ang mga pari partikular na mula sa Simbahang Katolika.

“Base po sa aming data, wala po. Linawin ko po… walang ‘deliberate efforts’ by any quarters inside or outside the government na tinatarget po ang kaparian. Ito na lang example ang killings previously for the past six months yung kay Fr. Ventura, Fr. Paez at Fr. Nilo ito po ay unrelated, ang motive po ay iba-iba,” ayon kay Durana sa panayam ng programang Veritasan.

Ayon pa kay Durana, hindi magkakapareho at hindi rin magkakaugnay ang motibo ng pagpatay sa mga pari na sina Fr. Mark Ventura ng Tuguegrao; Fr. Marcelito Paez ng San Jose Nueva Ecija at Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan.

Iginagalang din ng PNP ang paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pagtutol sa pag-aarmas ng mga pari.

No to Guns
Naniniwala din ang opisyal na hindi katiyakan ang pagkakaroon ng baril para sa kanilang kaligtasan.

“When all the dust will settle and our priest and lahat po tayo can really reflect on the issue they would realize that our best protection is ang ating panginoong Hesus -not guns,” ayon kay Durana.

Itinanggi rin ni Durana ang ulat ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga paring nag-apply ng ‘permit to carry fire arms outside their residence’.

“Kinumpara po namin, June of 2017 until June of 2018 and the same preceding periods I think ang tumaas doon ay walo lang,” paliwanag ni Durana.

Sinabi pa ni Durana na matapos din ang pulong sa pagitan ng mga pari ng Diocese ng San Pablo ay nagkakaisa ang mga pari doon na hindi mag-aarmas.

“They have decided among themselves not just not to arm themselves, but to turn over their firearms to the Philippine National Police,” dagdag pa ng opisyal.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ang mga gumagawa ng baril at ang pagkakaroon nito ay nangangahulugan ng lamang ng kawalang tiwala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 25,470 total reads

 25,470 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 246,087 total reads

 246,087 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 280,760 total reads

 280,760 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 296,660 total reads

 296,660 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 331,359 total reads

 331,359 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top