Death penalty, Hindi tugon sa pagkamit ng Katarungang Panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi kailanman tugon ang pagpaslang maging ng mga Kriminal upang makamit ang ganap na Katarungang Panlipunan.

Ito ang pahayag ng Kumisyon sa paggunita sa ika-12 Anibersaryo ng abolition ng Death Penalty o parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006.

Ayon kay Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary ng CBCP– Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, kailanman hindi magiging tugon ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa patuloy na lumalalang Kriminalidad sa Bansa.

“As we commemorate the 12th anniversary of the abolition of death penalty in the Philippines last June 24, we recall the sacredness and the fundamental right to life of all human beings enshrined in Gospel and the UN Universal Declaration of Human Rights.” pahayag ni Diamante.

Tiniyak naman ni Diamante ang patuloy na paninindigan laban sa parusang kamatayan lalo na sa muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas sa pagbabalik ng Death Penalty sa Bansa.

Paliwanag ni Diamante, kung muling ibabalik ang parusang kamatayan sa bansa ay maraming mga pagkakataon na maaring hindi ito tunay na makapagparusa sa tunay na mga Kriminal o nagkasala dahil na rin sa kawalan ng patas na pag-iral sa batas sa mga mahihirap.

“We stand by our belief that any deprivation of the right to life will not gain justice for all. Rendering the death penalty as a means to obtain justice simply does the opposite as recent history has proven. The death penalty has not deterred criminality and has even spurred more injustice by killing the innocent, those wrongly accused, those without proper defense and those who have been deprived of the opportunity to reform and restore the injury they caused others. This is because ours is a system of justice replete with human errors.” Dagdag pa ni Diamante

Iginiit ni Diamante na patuloy na magkakaisa ang iba’t ibang mga sektor na nagsusulong sa karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay na kilalanin at respetuhan ang Republic Act 9346 An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines, ang nilagdaang batas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong June 24, 2006 na opisyal na nagbubuwag sa parusang kamatayan sa Bansa.

Dahil dito muli ring nanawagan si Diamante sa mga mambabatas na huwag ipasa at muling isabatas ang Death Penalty sa Pilipinas na isang tahasang paglabag sa dignidad ng tao, pagkakataong muling makapagbago at buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,384 total views

 48,384 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,253 total views

 44,253 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,455 total views

 80,455 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,145 total views

 89,145 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,360 total views

 114,360 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top