Kasakiman, puno’t-dulo ng kahirapan at pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,277 total reads

Ito ang binigyang diin ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs sa paglulunsad ng national campaign na “Piglas Batangas,Piglas Pilipinas! Isang Anti Coal fired Power Plants campaign.

Inihayag ng Arsobispo na dahil sa paglaganap ng kasakiman at kawalang paki-alam sa kapwa ay dumaranas ng magkakaakibat na suliranin ang bansa.

“Sabi ng ating Santo Papa ang dahilan ng kahirapan, dahilan din ng pagsira ng ating kalikasan ay ang kasakiman at tinatawagan tayong lahat to develop it [the environment] and make it even more beautiful as God wants it, at ang higit na makikinabang sa mas magandang kalikasan ay yung mga malapit d’yan, ang mga nagpo-provide sa atin ng pagkain.” Pahayag ni Abp. Arguelles

Hinamon naman ni Archbishop Arguelles ang pamahalaan na huwag itanggi, harapin, at tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang programang magpapatingkad sa kakayahan ng mga Filipino.

“I think we will solve hunger, poverty, hindi sa pamamagitan ng pagpatay sa hindi pa isinisilang, hindi sa pamamagitan nung industriya na sumisira sa kapaligiran, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan para sa lahat ng tao para maging productive sila in the right way.”Dagdag pa ng Arsobispo

Ang kampanyang “Piglas Batangas! Piglas Pilipinas! Break Free from Fossil Fuels ay inisyatibo ng Lipa Archdiocesan Ministry on Environment na layuning ipasara ang lahat ng Coal Fired Power Plants sa buong bansa at palitan ito ng Renewable energy sources.

Dahil sa 17 Coal Fired Power Plants na kasalukuyang nakatayo sa bansa, lumabas sa ulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission, kung saan naiulat na umabot sa 35,900,000 ang carbon o maruming hangin na ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.

Sa Encyclical namang Laudato Si, hiniling ng Santo Papa Francisco sa bawat pinuno ng iba’t ibang bansa na palitan ng renewable resources ang Fossil fuels na pinagmumulan ng maruming usok na s’yang nagpapainit sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,321 total reads

 128,321 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,204 total reads

 265,204 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,979 total reads

 380,979 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,128 total reads

 496,128 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,360 total reads

 47,360 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,895 total reads

 76,895 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,739 total reads

 69,739 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top