Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tularan si Saint Columban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga mananampalataya kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Missionary Society of Saint Columban.

Ayon kay Cardinal Rosales, si St. Columban ay hindi lamang basta nagtuturo at nagpapahayag ng salita ng Diyos dahil pinipilit nitong abutin ang pinaka mahihirap na tao sa lipunan at patuloy na hinahanap ang Panginoon sa katauhan ng mga nangangailangan.

“Columban showed that a missionary was not just a man that brought the good news to people of many cultures and traditions, hindi basta pumaparoon at nagsesermon, but he was also a man that reach out to people specially the poor and reaching out to others, Columban was constantly in search for God.” Bahagi ng homiliya ni Cardinal Rosales.

Dagdag pa niya, bilang isang misyonero, kinakailangang maging handa ito na harapin ang lahat ng hamon na kaakibat ng pagpapahayag ng turo ng Panginoon, kasama na ang pangungutya ng mga tao.

Ipinaliwanag ni Cardinal Rosales na ang mga karanasan ni Hesus sa kanyang pangangaral ay nauulit din sa mismong buhay ng mga misyonerong nagpupunta sa dayuhang mga bansa.

“Ganun pala ang misyonero, sari-sari ang nararanasan, pinupuri at nilalait. So much like Jesus preaching in Nazareth, in Nazareth they wanted to stone Him. Nauulit ang istorya ni Hesus sa buhay ng tunay na misyonero.” Dagdag pa ni Cardinal Rosales.

Samantala, pinasalamatan naman ni Iba Bishop Bartolome Santos ang mga Columban Priests at Missionaries sa mga ambag nito sa pananampalataya ng mga tagazambales.

Inspirasyon para kay Bishop Santos ang wika ni St. Columban na “If you wish to know God, embrace God’s creation”, dahil sa hamon ngayon na pangalagaan ang kalikasan, kaya naman tinatanaw nito bilang malaking utang na loob sa mga Columban ang kanilang adbokasiya sa panganagalaga ng kapaligiran.

“Kung gusto nating makilala ang Diyos bakit nga hindi natin yakapin ang kanyang sanilikha o ang kanyang magagandang nilikha… talagang pinasasalamatan namin ang mga Columban Fathers at hindi namin malilimutan ang mga ginawa nilang kabutihan ang iniwan nilang pananampalataya ang iniwan nilang napakaraming bagay na ngayon ay amin nang pinakikinabangan.” Pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ika-29 ng Hunyo taong 1918 nang maitatag ang Missionary Society of St. Columban na binigyang pagkilala ni Pope Benedict XV.

Makalipas ang labing-isang taon, noong 1929, dumating ang Columban Missionaries sa Pilipinas at magmula noon ay naging bahagi na ng Simbahang Katolika ng bansa.

Kabilang sa mga lalawigang unang pinuntahan ng Columban Missionaries ang Cavite, Camiguin, Cebu, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental at Misamis Oriental, Negros Occidental at Oriental, Pangasinan, Rizal, Surigao Del Sur, Zambales, at Zamboanga del Sur.

Dito nagtatag ng mga paaralan, at simbahan ang mga Columban Missionaries na nagpayabong pa sa pananampalatayang Kristiyano ng mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 27,167 total views

 27,167 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 94,655 total views

 94,655 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 115,720 total views

 115,720 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 138,145 total views

 138,145 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 173,742 total views

 173,742 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 336,710 total views

 336,710 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top