Mga laiko, buo ang suporta sa mga Pastol ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total reads

Nanindigan ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa patuloy na pagsuporta at pagsunod sa mga lingkod ng Simbahan sa kabila ng hindi pagiging perpekto maging ng mga Pari at iba pang mga pastol ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Maria Julieta Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, makasalanan at mayroong sadyang taglay na kahinaan ang bawat nilalang maging ang mga lingkod ng Simbahan kaya’t dapat na suportahan at magsilbing lakas sa kanilang pagtupad sa tungkuling maging mabuting pastol sa mga mananampalataya.

Iginiit ni Wasan na kailangan ng mga lingkod ng Simbahan ng mga katuwang sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo kaya’t hindi naaangkop na ang mga layko ang unang humatol at humusga sa pangkabuuang kredibilidad ng lahat ng mga pastol ng Simbahan.

“Naniniwala ako, makasalanan tayong lahat at tayo man bilang layko ay makasalanan kaya dapat na mas malakas ang ating pagsuporta sa ating mga kaparian sapagkat kailangan nila tayo, kailangan nila ng kakampi at kung tayo mismo ang hahatol sa kanila parang napaka-pangit, so sa atin manggagaling yung lakas na pangangailangan nila…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin si Wasan na nararapat na makibahagi ang mga layko sa mga gawaing makapagsusulong ng pagpapaangat sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan sa bansa.

Binigyan diin ng Pangulo ng Sangguniang Laiko na mahalaga ang pakikilahok ng mga layko sa mga gawaing nagpapahayag ng paninindigan para sa kapakanan ng mga Filipino tulad ng pagbibigay galang at pagpapahalaga sa mga pinaniniwalaan at pinananampalatayaan ng bawat isa.

Tinukoy ni Wasan na ang mga nagaganap na karahasan sa lipunan ay isang hindi magandang representasyon ng pagiging Kristiyano ng mga Filipino.

“Inaasahan ko na ang mga layko ay makikiisa at makikilahok sa mga gawain na talaga namang nagpapababa ng pananaw sa Filipino kung titingnan natin sa ibang bansa parang wala ng dignidad ang bawat Filipino dahil sa mga nangyayari dito sa ating bansa na ultimo Pari ay pinapatay ng nagmimisa, hindi ganun ang Katoliko, hindi ganun ang Filipino kaya dapat lamang na makiisa ang mga layko…” Dagdag pa ni Wasan.

Naninindigan si Wasan na kailangan ng mga lingkod ng Simbahan ng katuwang sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo kaya’t naaangkop na manindigan at gumawa ng kongkretong hakbang ang mga layko para panatilihing sagrado ang pananampalatayang Katoliko.

Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t-ibang grupo ng laiko mula sa 86 mga diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,914 total reads

 131,914 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,984 total reads

 174,984 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,742 total reads

 224,742 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,936 total reads

 383,936 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 405,003 total reads

 405,003 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top