Tularan si Saint Columban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total reads

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga mananampalataya kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Missionary Society of Saint Columban.

Ayon kay Cardinal Rosales, si St. Columban ay hindi lamang basta nagtuturo at nagpapahayag ng salita ng Diyos dahil pinipilit nitong abutin ang pinaka mahihirap na tao sa lipunan at patuloy na hinahanap ang Panginoon sa katauhan ng mga nangangailangan.

“Columban showed that a missionary was not just a man that brought the good news to people of many cultures and traditions, hindi basta pumaparoon at nagsesermon, but he was also a man that reach out to people specially the poor and reaching out to others, Columban was constantly in search for God.” Bahagi ng homiliya ni Cardinal Rosales.

Dagdag pa niya, bilang isang misyonero, kinakailangang maging handa ito na harapin ang lahat ng hamon na kaakibat ng pagpapahayag ng turo ng Panginoon, kasama na ang pangungutya ng mga tao.

Ipinaliwanag ni Cardinal Rosales na ang mga karanasan ni Hesus sa kanyang pangangaral ay nauulit din sa mismong buhay ng mga misyonerong nagpupunta sa dayuhang mga bansa.

“Ganun pala ang misyonero, sari-sari ang nararanasan, pinupuri at nilalait. So much like Jesus preaching in Nazareth, in Nazareth they wanted to stone Him. Nauulit ang istorya ni Hesus sa buhay ng tunay na misyonero.” Dagdag pa ni Cardinal Rosales.

Samantala, pinasalamatan naman ni Iba Bishop Bartolome Santos ang mga Columban Priests at Missionaries sa mga ambag nito sa pananampalataya ng mga tagazambales.

Inspirasyon para kay Bishop Santos ang wika ni St. Columban na “If you wish to know God, embrace God’s creation”, dahil sa hamon ngayon na pangalagaan ang kalikasan, kaya naman tinatanaw nito bilang malaking utang na loob sa mga Columban ang kanilang adbokasiya sa panganagalaga ng kapaligiran.

“Kung gusto nating makilala ang Diyos bakit nga hindi natin yakapin ang kanyang sanilikha o ang kanyang magagandang nilikha… talagang pinasasalamatan namin ang mga Columban Fathers at hindi namin malilimutan ang mga ginawa nilang kabutihan ang iniwan nilang pananampalataya ang iniwan nilang napakaraming bagay na ngayon ay amin nang pinakikinabangan.” Pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ika-29 ng Hunyo taong 1918 nang maitatag ang Missionary Society of St. Columban na binigyang pagkilala ni Pope Benedict XV.

Makalipas ang labing-isang taon, noong 1929, dumating ang Columban Missionaries sa Pilipinas at magmula noon ay naging bahagi na ng Simbahang Katolika ng bansa.

Kabilang sa mga lalawigang unang pinuntahan ng Columban Missionaries ang Cavite, Camiguin, Cebu, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental at Misamis Oriental, Negros Occidental at Oriental, Pangasinan, Rizal, Surigao Del Sur, Zambales, at Zamboanga del Sur.

Dito nagtatag ng mga paaralan, at simbahan ang mga Columban Missionaries na nagpayabong pa sa pananampalatayang Kristiyano ng mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 83,124 total reads

 83,124 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 130,438 total reads

 130,438 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 178,309 total reads

 178,309 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 282,257 total reads

 282,257 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,543 total reads

 364,543 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,552 total reads

 42,552 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,428 total reads

 35,428 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top