Simbahan, hinamon na paigtingin ang pangangalaga sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 404 total reads

Hinamon ni Sr. Maria Juanita Daño, Religious of the Good Shepherd ang simbahan na paigtingin pa ang mga gawaing nangangalaga sa mga mahihirap.

Ayon kay Sister Daño, bagamat marami nang programa ang Simbahang Katolika na tumutulong sa mga nangangailangan ay tila kulang pa rin ito sa dami ng mga dukhang patuloy na nangangailangan ng pagkalinga.

Inihayag ng Madre na bukod sa pagbibigay ng tulong, mahalaga din na maturuan ang mahihirap kung paano mamuhay ng marangal at mapataas ang kanilang kamalayan tungkol sa tunay na nangyayari sa kanilang lipunan.

Naniniwala si Sister Daño na sa pamamagitan ng edukasyon ay maimumulat ang mga mahihirap at matuturuan kung paano makakaiwas sa dumaraming bilang ng mga biktima ng extra judicial killings o napapaslang mula sa mga police operations.

“Challenge ko sa simbahan na not just dole out, or not just give them what they need, but they have to educate [them]. Kasi ang nangyari sa amin kaya kami nakapag file ng case [Writ of Amparo] sa Supreme Court kasi nag-one-on-one talaga ako ng family, tapos yung mga layko namin binabalik-balikan naming hanggang nakakuha kami ng signature, and nagpa-training,” pahayag ni Sr. Daño sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinamon ni Sr. Daño bawat Filipino na huwag matakot, at alamin ang mga batas na maaaring magprotekta sa buhay ng mamamayan laban sa lumalaganap na karahasan sa bansa.

“Since October 2017 nang nagsampa kami ng case [Writ of Amparo], wala nang pinatay so far, aba sabi nila nabunutan sila ng tinik, at the same time sabi naming, oo nga nabunutan kayo but kayo din kailangan nyong gawin yung assignment nyo na kung may mga tao kayong lulong sa droga ipatulong niyo rin sa amin,” dagdag pa ng Madre.

Matatandaang noong Oktubre taong 2017, nag-file ng Writ of Amparo si Sr. Daño sa Korte Suprema upang hilingin ang seguridad hindi lamang ng kanyang buhay kundi maging ng mga Barangay na maisasama sa kanilang petisyon.

Ang Writ of Amparo ay may pangunahing layunin na protektahan ang sinumang maghahain nito sa Korte Suprema laban sa banta sa kanyang buhay, kalayaan at seguridad ng mga opisyal o kawani ng pamahalaan.

Idinulog ito ng madre kasama ang iba pang 39 na petitioners upang hilingin ang proteksyon ng 26 na kapitan ng mga barangay sa San Andres Bukid kasama na ang mga residenteng nasasakupan ng mga naturang Barangay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,939 total reads

 82,939 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 117,202 total reads

 117,202 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,502 total reads

 152,502 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,771 total reads

 378,771 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,759 total reads

 267,759 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,903 total reads

 36,903 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,795 total reads

 29,795 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top