Mamamayang Pilipino, inaanyayahang makiisa sa PCNE5

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 692 total reads

Nagpaabot ng paanyaya nang pakikibahagi at pakikilahok sa nakatakdang ika-5 Philippine Conference on New Evangelization o PCNE si Rev. Fr. Jason Laguerta, Executive Director ng Office of the Promotion of the New Evangelization.

Hinikayat ni Father Laguerta ang lahat ng mga mananampalataya sa nakatakdang PCNE5 na magaganap sa ika-20 hanggang ika-22 ng Hulyo.

Pagbabahagi ni Fr. Laguerta, isasagawa ang unang araw ng ikalimang edisyon ng PCNE sa Cuneta Astrodome habang sa University of Santo Tomas naman magaganap ang mga gawain para sa ikalawa at huling araw ng Konperensya.

“Inaanyayahan ko lahat ng mga taga-pakinig natin Kapanalig sa Radyo Veritas at sa iba pang dako ng mundo na makilahok kayo, makibahagi kayo sa Philippine Conference on New Evangelization, gagawin ito sa July 20, 21, 22. Ang July 20 ay sa Cuneta Astrodome at 21 at 22 naman ay sa University of Santo Tomas sana magkita-kita tayo sa konperensyang ito…” paanyaya ni Fr. Laguerta sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang ika-limang Edisyon ng Philippine Conference on New Evangelization ngayong taon ay mayroong temang “Moved with Compassion, Feed the multitude” na may kaugnayan sa patuloy na ginugunita ng Simbahan sa bansa na Year of the Clergy and Consecrated Persons bilang paghahanda sa ika-500 Anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Tampok sa tatlong araw na pagtitipon ang “Heart to heart Conference” sa pagitan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ay isang pambihirang pagkakataon upang mapakinggan ni Cardinal ang mga kwento at patotoo ng ilang mananampalataya kaugnay sa tema ngayong taon.

Tulad sa mga nakaraang PCNE, inaasahan rin ang pagkakaroon ng 3 Concurrent Sessions na tatalakay sa iba’t ibang usapin na pananaw ng pananampalatayang Katoliko tulad na lamang ng mga usapin sa basic ecclesial communities o BEC, pagpapamilya, kahalagahan ng Trabaho, paghubog sa mga Kabataan, pangangalaga sa Kalikasan, pagsusulong ng karapatang Pantao, pagprotekta sa mga Katutubo, at pagtulong sa mga Migrants at Refugees.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 5,800 ang participants sa PCNE5 na binubuo ng mga Pari, Consecrated at Lay people.

Sa ika-16 ng Hulyo, Pangungunahan ni Cardinal Tagle ang pre-PCNE5 mass para sa UST Parish ganap na Alas Dos ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,842 total reads

 30,842 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,640 total reads

 67,640 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,851 total reads

 85,851 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,179 total reads

 170,179 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,146 total reads

 206,146 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,069 total reads

 38,069 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top