Tumaas na Environmental defenders killings, Pingangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Labis na nababahala ang grupong Alyansa Tigil Mina sa bagong pag-aaral ng Global Witness na “At What Cost” kung saan idineklara ang taong 2017 bilang pinaka mapanganib at nakamamatay na taon para sa mga Environmental Defenders.

Lumabas sa pagsusuri na pangunahing dahilan sa pagpaslang sa mga makakalikasan lalo na sa mga Katutubo ay ang pagprotekta nito sa kanilang lupain na pilit na kinakamkam ng mga Agribusiness Companies.

Sa ulat ng grupo naitala ang 207 Insidente ng pagpaslang sa mga land at Environmetal Activist mula sa 22 mga Bansa.

Katumbas ito na halos apat na indibidwal na napapaslang kada linggo.

Sa Brazil naitala ang pinaka malaking bilang na 57 napaslang habang nangunguna naman sa buong Asya ang Pilipinas dahil sa 47 Defenders na napatay noong 2017.

60-Porsiyento ng kabuuang bilang ang mula naman sa Latin America, Mexico, Peru at Nicaragua.

Sa kauna-unahang pagkakataon naitala ang Agribusiness bilang “Bloodiest Industry”, habang sinundan naman ito ng Mining at Logging.

Sa Pilipinas, mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina ang mga pagpatay na may kaugnayan sa pagmimina at sa Coal Fired Power Plants.

Ayon sa grupo, pangunahing naaapektuhan ang mga katutubo dahil sa ginagawang pagpapalayas sa mga ito mula sa kanilang Ancestral Lands.

Kabilang sa mga inilahad ng ATM ang banta sa grupo ng mga katutubong Palaw’an sa Brooke’s Pt. Palawan, sa Mamanwas tribe sa Cantilan, Surigao Del Sur, Bla’an tribe sa Tampakan, South Cotabato, Mangyan tribe sa Oriental Mindoro, Tau-buhid Mangayan sa Sibuyan Island Mindoro, at ang libu-libo pang lumad sa Mindanao na nakasalukuyan ding nananatili sa Evacuation centers dahil sa Militarisasyon.

Kaugnay dito nananawagan ang ATM kay Pangulong Rodrigo Duterte na hikayatin pa ang mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng Green Bills.

Kabilang dito ang National Land Use Act (NLUA); Forest Resources Bill (FRB), Alternative Minerals Management Bill (AMMB) at Indigenous and Community Conserved Areas (ICCA) bill.

Samantala, sinusuportahan din ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng mga Batas na Poprotekta sa Kalikasan at magtataguyod sa Karapatan ng mga Katutubo.

sa Encyclical Letter ni Pope Francis na Laudato Si, Inihayag nitong nakalulungkot ang Sitwasyon kung saan labis na pinahihirapan ang mga katutubong Nagpoprotekta sa kalikasan.

Hinahamon ng Santo Papa mamamayan at ang mga may katungkulan sa Pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang ganitong pagtrato sa mga Environmental defenders at sa mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 2,418 total reads

 2,418 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,723 total reads

 40,723 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,994 total reads

 266,994 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 160,459 total reads

 160,459 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 254,346 total reads

 254,346 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,430 total reads

 34,430 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,327 total reads

 27,327 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top