Simbahang Katolika katuwang ng Pamahalaan pagsusulong ng kaunlaran sa Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total reads

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila bilang tugon sa inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address na magpapatuloy ang kampanya ng Pamahalaan kontra ipinagbabawal na gamot at pakikipaglaban sa Korapsyon.

Ayon kay Fr. Pascual, nakabubuti sa Bansa at sa mamamayan ang hangarin ng Pangulo kaya nararapat lamang na ipagpatuloy ito.

Nilinaw ng pari na dapat pairalin ng pamahalaan ang batas sa paglunsad at pagtugis sa mga sangkot sa iligal na droga at hindi basta na lamang paslangin dahil labag ito sa utos ng Diyos.

“Maganda naman ang programa ng ating Presidente laban sa iligal na droga, Sa korapsyon sa Gobyerno at Kriminalidad, ipagpatuloy niya yan at kakampi niya ang buong Sambayanan lalong lalo na ang simbahan siyempre ang ayaw lang naman natin ay yung pumapatay sapagkat hindi tungkulin ng tao ang pumatay sabi nga ng Diyos Huwag kang Papatay.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Umaasa ang pari na higit na mamayani ang Pagmamahal at Pagmamalasakit ng bawat isa lalo na sa mga Dukha na kadalasang biktima ng Kawalan ng Katarungan sa sunod-sunod na pagpaslang dulot ng malawakang Giyera kontra Droga.

Batay sa tala ng mga Human Rights group mahigit sa 20-libo na ang mga nasawi na iniuugnay sa kalakalan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bukod dito, Inihayag rin ni Fr. Pascual na dapat palakasin ng pamahalaan ang collection efficiency sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue upang matustusan ang iba’t ibang Proyekto nito tulad ng Build Build Build Program.

Aniya, Suportado ng Simbahan ang programang Pang-Imprastraktura ng pamahalaan ngunit dapat isaalang-alang din ang kapakanan ng mga mahihirap na labis naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Hamon ng pari kay Pangulong Duterte na tuluyang alisin ang Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng Pamahalaan upang magamit sa wastong pamamaraan ang kita ng Gobyerno.

“Dapat ang Presidente ayusin niya muna ang mga korap sa loob ng Pamahalaan para makakolekta ng maayos ang pamahalaan, kapag naka 25% na kolekta daw na Collection Efficiency may marami ng Pondo para sa Build Build Build!.” dagdag ng Pari.

Una nang tinuran ng Kaniyang Kabanalang Francisco na kaakibat sa pagsulong ng Bayan ay ang pag-unlad ng mga mamamayan na walang naisasantabing Sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,933 total reads

 1,933 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,287 total reads

 40,287 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,558 total reads

 266,558 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 160,023 total reads

 160,023 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,946 total reads

 253,946 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top