Tumaas na Environmental defenders killings, Pingangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

Labis na nababahala ang grupong Alyansa Tigil Mina sa bagong pag-aaral ng Global Witness na “At What Cost” kung saan idineklara ang taong 2017 bilang pinaka mapanganib at nakamamatay na taon para sa mga Environmental Defenders.

Lumabas sa pagsusuri na pangunahing dahilan sa pagpaslang sa mga makakalikasan lalo na sa mga Katutubo ay ang pagprotekta nito sa kanilang lupain na pilit na kinakamkam ng mga Agribusiness Companies.

Sa ulat ng grupo naitala ang 207 Insidente ng pagpaslang sa mga land at Environmetal Activist mula sa 22 mga Bansa.

Katumbas ito na halos apat na indibidwal na napapaslang kada linggo.

Sa Brazil naitala ang pinaka malaking bilang na 57 napaslang habang nangunguna naman sa buong Asya ang Pilipinas dahil sa 47 Defenders na napatay noong 2017.

60-Porsiyento ng kabuuang bilang ang mula naman sa Latin America, Mexico, Peru at Nicaragua.

Sa kauna-unahang pagkakataon naitala ang Agribusiness bilang “Bloodiest Industry”, habang sinundan naman ito ng Mining at Logging.

Sa Pilipinas, mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina ang mga pagpatay na may kaugnayan sa pagmimina at sa Coal Fired Power Plants.

Ayon sa grupo, pangunahing naaapektuhan ang mga katutubo dahil sa ginagawang pagpapalayas sa mga ito mula sa kanilang Ancestral Lands.

Kabilang sa mga inilahad ng ATM ang banta sa grupo ng mga katutubong Palaw’an sa Brooke’s Pt. Palawan, sa Mamanwas tribe sa Cantilan, Surigao Del Sur, Bla’an tribe sa Tampakan, South Cotabato, Mangyan tribe sa Oriental Mindoro, Tau-buhid Mangayan sa Sibuyan Island Mindoro, at ang libu-libo pang lumad sa Mindanao na nakasalukuyan ding nananatili sa Evacuation centers dahil sa Militarisasyon.

Kaugnay dito nananawagan ang ATM kay Pangulong Rodrigo Duterte na hikayatin pa ang mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng Green Bills.

Kabilang dito ang National Land Use Act (NLUA); Forest Resources Bill (FRB), Alternative Minerals Management Bill (AMMB) at Indigenous and Community Conserved Areas (ICCA) bill.

Samantala, sinusuportahan din ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng mga Batas na Poprotekta sa Kalikasan at magtataguyod sa Karapatan ng mga Katutubo.

sa Encyclical Letter ni Pope Francis na Laudato Si, Inihayag nitong nakalulungkot ang Sitwasyon kung saan labis na pinahihirapan ang mga katutubong Nagpoprotekta sa kalikasan.

Hinahamon ng Santo Papa mamamayan at ang mga may katungkulan sa Pamahalaan na ipagtanggol at pigilan ang ganitong pagtrato sa mga Environmental defenders at sa mga katutubo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,836 total reads

 6,836 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,482 total reads

 8,482 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,013 total reads

 19,013 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,391 total reads

 56,391 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,661 total reads

 87,661 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 163,965 total reads

 163,965 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,256 total reads

 257,256 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 375,785 total reads

 375,785 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top