Tuluyan ng i-archive ang panukalang Death penalty.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total reads

Sinang-ayunan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagbibigay diin ng Kaniyang Kabanalan Francisco na hindi kailanman katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang bitay o kamatayan.

Ito ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity.

“Death is totally unacceptable because there are now means to rehabilitate those Who commit crime while protecting the community. The purpose of punishment is rehabilitation and not Vengeance,” ayon sa mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na marami nang paraan para sa pagpapanibago ng mga taong nagkasala sa batas kasabay na rin ng pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ang pangunahing dahilan ng pagpapataw ng parusa ay para sa rehabilitasyon at hindi bilang paghihiganti.

Binigyan diin naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na bunsod ng pahayag ng Santo Papa Francisco ay wala nang dahilan na magbibigay ng katwiran para muling buhayin sa Pilipinas ang parusang kamatayan.

Ayon sa pari sa pagbibigay linaw ng Santo Papa, higit na hindi katanggap-tanggap sa anumang aspekto ang pagpapataw ng Capital Punishment.

Bago ang dokumento, unang inihayag ni Pope Francis na hindi katarungan kundi isang paghihiganti ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Ayon sa inilabas na dokumento hindi lamang mga inosente kundi maging kriminal ay nagtataglay ng karapatang pantao at dignidad na malalabag sa paraan ng pagpapataw ng parusang kamatayan.

Taong 2006 nang tanggalin ang death penalty law sa Pilipinas habang may 141 bansa na rin ang hindi nagpapatupad ng ‘Capital Punishment’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,408 total reads

 38,408 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,690 total reads

 264,690 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,155 total reads

 158,155 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,186 total reads

 252,186 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,601 total reads

 294,601 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top