Patuloy na pagbabalewala ng Gobyerno sa hinaing ng mamamayan, Pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Lubhang mapanganib sa mamamayan kung patuloy na balewalain ng pamahalaan ang hinaing ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, napakahalagang matugunan ng pamahalaan ang mga usaping nakakaapekto sa buhay ng bawat Filipino.

Tinukoy ng Obispo ang kasalukuyang pasanin ng mamamayan bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa dulot na rin sa ipinatupad na reporma sa pagbubuwis na nagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

“The TRAIN Law has made everything expensive and that is very dangerous things if the Government do not listen to the pleas of the people.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na labis ang epekto nito sa mahihirap na sektor sa lipunan at sa mga taong napapabayaan.

Sinabi ni Bishop Bastes na mahalagang kumilos na ang lipunan sa pangunguna ng pamahalaan na malutas ang mga suliraning nakakaapekto sa Ekonomiya ng Bansa.

Sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong Hunyo, naitala ang 5.2 porsiyentong pagtaas ng inflation rate sa bansa dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung saan nangunguna dito ang mataas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mais at palay.

Sa kabila ng ulat ng pamahalaan na pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Asya mataas pa rin ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho.

Nagbabala din ang IBON Foundation na tataas ang presyo ng bigas sa panukalang “Rice Tariffication” o pag-alis sa itinakdang limitasyon o “Quantitative Restriction” sa mga angkat na bigas at pagpataw ng 35-percent tariff sa rice import.

Sa pananaliksik ng IBON Foundation, mahigit sa 4 na milyon bukod pa dito ang mahigit 5 libong araw-araw umaalis sa bansa upang makipagsapalaran sa ibang bansa.

Patuloy naman ang Simbahang Katolika sa paggawa ng mga hakbang upang makatulong sa bawat mamamayan sa bansa tulad na lamang ng pagbibigay ng libreng pagsasanay upang makahanap ng disente at maayos na pagkakakitaan lalo na ang mga mahihirap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,056 total reads

 37,056 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,449 total reads

 263,449 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,916 total reads

 156,916 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,947 total reads

 250,947 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,419 total reads

 293,419 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top