Tuluyan ng i-archive ang panukalang Death penalty.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total views

Sinang-ayunan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagbibigay diin ng Kaniyang Kabanalan Francisco na hindi kailanman katanggap-tanggap ang pagpapataw ng parusang bitay o kamatayan.

Ito ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity.

“Death is totally unacceptable because there are now means to rehabilitate those Who commit crime while protecting the community. The purpose of punishment is rehabilitation and not Vengeance,” ayon sa mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na marami nang paraan para sa pagpapanibago ng mga taong nagkasala sa batas kasabay na rin ng pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ang pangunahing dahilan ng pagpapataw ng parusa ay para sa rehabilitasyon at hindi bilang paghihiganti.

Binigyan diin naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na bunsod ng pahayag ng Santo Papa Francisco ay wala nang dahilan na magbibigay ng katwiran para muling buhayin sa Pilipinas ang parusang kamatayan.

Ayon sa pari sa pagbibigay linaw ng Santo Papa, higit na hindi katanggap-tanggap sa anumang aspekto ang pagpapataw ng Capital Punishment.

Bago ang dokumento, unang inihayag ni Pope Francis na hindi katarungan kundi isang paghihiganti ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Ayon sa inilabas na dokumento hindi lamang mga inosente kundi maging kriminal ay nagtataglay ng karapatang pantao at dignidad na malalabag sa paraan ng pagpapataw ng parusang kamatayan.

Taong 2006 nang tanggalin ang death penalty law sa Pilipinas habang may 141 bansa na rin ang hindi nagpapatupad ng ‘Capital Punishment’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 24,387 total views

 24,387 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 51,038 total views

 51,038 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 146,096 total views

 146,096 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 167,672 total views

 167,672 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 181,076 total views

 181,076 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top