Opisyal ng CBCP, dismayado kay Senador Pacquiao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa ginawang paglilinaw ng Santo Papa Francisco hinggil sa parusang kamatayan.

Ayon kay Rodolfo Diamante, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care matagal na rin nilang isinusulong ang pagkakaroon ng ‘revision’ sa ‘guidelines on Catholic Catechism’ na hindi dapat binibigyang katwiran ang pagpatay.

“Kasi talagang wala dapat, in a way lalu na sa teaching ng simbahan na magsasabi na ‘justifiable’ ang parusang kamatayan. Especially sa pag-unawa kung ano ang tao,” ayon kay Diamante.

Base sa katuruan ng Santo Papa Francisco walang kondisyon at hindi katanggap-tanggap ang ‘death penalty’ dahil ang lahat ay mga anak ng Diyos.

“If you will be faithful of reading the scriptures, talagang ang pagpapahalaga ng Diyos sa tao ay talagang unconditional at may pagkiling talaga sa mahihina. At sino ang weakest among the group – ay yaong mga nagkamali,” ayon kay Diamante.

On Pacquiao

Nalulungkot naman si Diamante sa pahayag ni Senator Manny Pacquiao na isulong ang pagbababalik ng death penalty sa Pilipinas kasunod ng inilabas na paglilinaw ni Pope Francis.

“Consistent naman siya, nakakalungkot lang talaga na sasabayan nya (Pacquiao) ang pronouncement ng Pope ng sarili nyang interpretation ng Bible,” ayon kay Diamante.

Ang mambabatas ay una ng nagsumite ng tatlong panukala para sa pagbuhay ng ‘death penalty’ sa bansa na limitahan ang parusa laban lamang sa mga karumal-dumal na krimen.

Paliwanag pa ni Diamante hindi madali ang pag-aaral ng bibliya at ang paglalapat ng kahulugan sa mga teksto na nasasaad dito.

Hamon ngayon sa mga katoliko na higit pang paigtingin ang pagbibigay ng katesismo at puspusang pangangaral para sa pagbibigay ng kaalaman sa bawat mananamapalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 36,076 total reads

 36,076 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 262,536 total reads

 262,536 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,003 total reads

 156,003 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,034 total reads

 250,034 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 292,549 total reads

 292,549 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top