Simbahan sa pamahalaan at mambabatas, isulong ang restorative justice hindi death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Sinusugan ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry ang naging deklarasyon ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap kailanman ang pagpapataw ng Death Penalty.

Ayon kay Caritas Manila RJ Program Coordinator Sr. Zeny Cabrera, kaisa ni Pope Francis at ng buong Simbahan ang Restorative Justice Prison Ministry sa pagtutol sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga bilanggo.

Pagbabahagi ng Madre, dahil sa naturang paninindigan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang RJ Ministry upang makapasok sa mga bilangguan at maidama ang pagpapahalaga sa buhay ng mga bilanggo.

“Kami rin ang tayo ng RJ (Restorative Justice) hindi kami umaayon sa Death Penalty kaya naman dahil sa dahilan na ito, patuloy kaming pumapasok at pumupunta sa mga bilanguan dahil naniniwala kami na sa paraang ito maipapahayag sa mga kinauukulan, sa mga bilanggo na pinahahalagahan namin ang kanilang buhay…” pahayag ni Sister Zeny Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Madre na kabilang sa mga programang ipinagkakaloob ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry sa mga bilangguan ay ang pagmumulat sa kamalayan ng mga bilanggo sa kahulugan ng pagiging tao, ang kahalagahan ng dignidad at ang mga karapatang tinataglay ng bawat isa.

“Iyan ang dahilan kung bakit kami pumapasok (sa mga bilanguan), kasi ang ibinibigay namin ay mga session, magpapakita na nagpapahalaga kami sa kahulugan ng pagiging tao, yung kanilang dignidad, yung kanilang karapatan at yung kanilang pangangalaga sa kanilang buhay at sa kanilang pamilya, yun ang patuloy na ginagawa, gawain yan ng RJ (Restorative Justice)…” Pagbabahagi ni Sister Cabrera.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology noong 2017 tinatayang umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa na karamihan ay may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang mga prisinto at mga piitan ay hindi dapat na magsilbing tapunan o lagakan sa mga nagkamaling indibidwal sa halip ay lugar kung saan muling maiaangat ang kanilang dignidad at kalagayan para sa muling pagbabalik ng kabutihan sa kanilang mga puso’t isip.

Naunang inihayag ni Pope Francis na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo labag din sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 27,718 total reads

 27,718 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 58,990 total reads

 58,990 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 137,181 total reads

 137,181 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 231,407 total reads

 231,407 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 290,939 total reads

 290,939 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 21,834 total reads

 21,834 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top