Heart relic ni St.Padre Pio, Dadalaw sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 944 total reads

Magandang balita sa mga Deboto ni St. Padre Pio dahil sa nakatakdang pagdalaw ng ‘Heart Relic’ ng Santo sa Pilipinas sa buwan ng Oktubre 2018.

Ayon kay Fr. Leonido Dolor, Vice Rector St. Padre Pio Shrine sa San Pedro, Santo Tomas Batangas, dadalaw ang relikya sa iba’t-ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

“There is a relic of ST. Padre Pio going around now, Authentic relic ‘yan but we would like to say na that is not the ‘Heart Relic’. Kasi ang ‘Heart Relic’ ang dating pa dito sa atin ay sa October. Dadating ng gabi ng October at mag-stay here until October 26,” ayon kay Fr. Dolor.

Kaya’t inaanyayahan ang mga mananampalataya na bisitahin ang relikya sa mga lugar kung saan ito magtutungo.

Sa October 6 hanggang 7 mananatili ito sa Padre Pio National Shrine sa Batangas at magtutungo sa Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Concepcion simula ika-8 hanggang ika-10 ng Octubre.

Dadalhin din ang relikya ni Padre Pio sa Cebu Metropolitan Cathedral ika-11 hanggang ika-13 ng Oktubre; sa San Pedro Cathedral sa ika-16 ng Oktubre, Davao Cathedral sa ika-14 hanggang ika-16 at sa Metropolitan Cathedral ng San Sebastian o Lipa Cathedral sa ika-17 ng Oktubre.

Babalik ito ng Padre Pio Shrine sa ika-18 hanggang sa araw ng kaniyang pag-alis sa ika-26 ng Oktubre.

“It will be open 24-7 sa mga Devotees and people who would want to Venerate the heart relic which is uncorrupted heart of Saint Padre Pio,” ayon pa kay Fr. Dolor.

Si Francesco Forgione o mas kilala bilang si Padre Pio ng Pietrelcina, Italya ay isang Capuchin priest na naging tanyag dahil sa pagtataglay ng ‘Stigmata’ sa mahabang panahon ng kaniyang buhay.

August 10, 1910 si Padre Pio ay inordinahang pari, taong 1918 nang taglayin nito ang ‘stigmata’ o mga sugat na tulad ng tinamo ni Hesus at nagtagal ito sa kaniyang katawan sa loob ng 50 taon.

Si Padre Pio ay namayapa taong 1968 sa edad na 81 at idineklarang Santo ng nooy si Pope John Paul II taong 2002.

Tinatayang may 8 milyong deboto kada taon ang dumarayo sa Giovanni, Rotondo kung saan nakahimlay ang ‘Hindi nabubulok na labi’ ni Padre Pio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,172 total reads

 125,172 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,296 total reads

 262,296 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,072 total reads

 378,072 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,362 total reads

 493,362 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top