Alkalde ng Marikina, pinuri ang pagpapasara ng DENR sa quarrying sa San Mateo at Rodriguez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Higit pang dapat paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang panawagan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro matapos ang malawakang pagbaha na nakaapekto sa kanilang lungsod.

Ayon sa alkalde, higit sa 20,000 katao ang lumikas sa kasagsagan ng habagat sa Marikina bunsod ng pag-apaw ng Marikina river.

“Nakikita ko po backlash ito ng hindi pangangalaga ng mabuti sa kalikasan. Ito po’y panawagan sa lahat sa atin na ang kalikasan ay dapat pangalagaan. Ako po ay natutuwa dahil nabalitaan ko, yung mga quarrying na ginagawa sa San Mateo at Rodriguez ay pinatigil na ng DENR,” ayon kay Teodoro.

Ikinatutuwa din ni Teodoro ang naging kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang quarrying sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal na siyang nagdudulot ng pagbaha lalu na sa mabababang lugar kabilang na ang Marikina at ilang bahagi sa Metro Manila.

“Apektado po kasi tayo. Yun pong Marikina river ay part ng isang river system, downstream river at downstream community kaya kung ano ang nangyayari sa taas ang epekto ay dito sa atin baba. Hindi lamang po Marikina ang makikinabang diyan,” ayon pa kay Teodoro sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Una na ring nanawagan ang kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na kabilang sa responsibilidad ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan dahil ang pagkasira nito ay nagpapalala sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa.

Sa nakalipas na epekto ng habagat higit sa isang milyon katao ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha mula sa 713 barangay sa Region 1 at 2; Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,351 total reads

 9,351 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,732 total reads

 237,732 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,198 total reads

 131,198 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,227 total reads

 225,227 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,112 total reads

 269,112 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top