Gamiting pondo ng kabutihan ang salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa ika-14 na taong Anibersaryo ng Pondo ng Pinoy.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle na ang salita ng Diyos ang marapat na maging pondo at pinagmumulan ng lakas ng bawat mananampalataya.

Nilinaw ng Kardinal na kung si Hesus at ang salita ng Panginoon ang magiging pondo, at inspirasyon sa buhay ng bawat tao ay magdudulot ito ng pagbabago sa bawat isa.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pagtanggap at pagpapapasok kay Hesus sa puso ng bawat tao ay magbubunga ng pag-ibig at bagong pagkatao na mag-aalis sa lahat ng hindi mabubuting pag-uugali ng isang indibidwal.

“Kapag tinanggap na si Hesus nang may pag-ibig, bagong pagkatao na rin. Dapat yung luma ay maalis na – bitterness, fury, anger, shouting, reviling, dapat maalis. Hindi iyan katangian ng mga taong nakinig sa salita ng Diyos at tinanggap si Hesus. Galit, poot, pambubulyaw at masasamang salita, hindi ‘yan galing sa pananampalataya.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Binigyan diin ng Kardinal na kung tatanggapin at paniniwalaan ng bawat tao ang salita ng Panginoon bilang pondo ng pananampalataya ay maging kanyang kayamanan.

“Kung titingnan po natin ang pinaka-pondo natin ay ang salita ng Diyos na kapag tinanggap, pinaniwalaan, isinabuhay ay magiging kayamanan.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Noong Linggo ika-12 ng Agosto, ipinagdiwang ang ika-14 na taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pondo ng Pinoy ni dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

Ipinaalala din ni Kardinal Tagle, na nawa sa paglago at pagdami ng mga natutulungan ng Pondo ng Pinoy ay magbunga pa ito ng mas maraming marangal na Filipino na marunong dumamay sa kanilang kapwa at bukas ang puso katulad kay Kristo.

“Ang final na produkto ng Pondo ng Pinoy ay ang marangal na Pinoy. Marangal dahil marunong umibig, marunong dumamay, bukas ang mata at puso sa kapwa. Ang marangal na Pinoy hindi individualistic. Ang marangal na Pinoy hindi sarili ang itinataguyod. Ang marangal na Pinoy hindi magaspang ang pag-uugali. Ang marangal na Pinoy hindi nambubusabos. Ang marangal na Pinoy katulad ni Kristo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,122 total reads

 22,122 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 102,662 total reads

 102,662 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 196,889 total reads

 196,889 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 257,377 total reads

 257,377 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,121 total reads

 270,121 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,672 total reads

 374,672 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top