Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na tuluran si Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na panibaguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtulad kay Maria.

Ayon sa Kardinal, ang kapistahan ng pag-aakyat kay Maria sa langit ay nagtuturo sa mga mananampalataya kung paano nito paninibaguhin ang kanilang buhay patungo sa pagtamasa ng kadakilaan ng Panginoon.

Sa unang puntong ibinahagi ni Kardinal Tagle, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikinig sa salita ng Diyos at pagkilos ng naaayon dito, tulad ng ipinamalas ni Maria.

Ayon sa Kardinal, hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa buhay, ugali, isip at ugnayan sa sambayanang Kristiyano kung makikinig lamang ang mga tao sa dikta ng salita ng kung sino-sino at hindi sa salita ng Diyos.

“Walang tunay na pagpapanibago ng buhay, ugali, pag-iisip at ugnayan sa sambayanang Kristyano kung hindi natin seseryosohin ang salita ng Diyos… pero hindi lang pinakikinggan, sinasampalatayanan [dapat] ikinikilos.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Ikalawang ibinahagi ng Kardinal ay ang kaugnayan ni Maria kay Kristo.

Sinabi ni Cardinal Tagle na nakasentro ang buhay ni Maria kay Hesus kaya nang umakyat si Kristo sa kalangitan ay iniakyat din si Maria sa langit.

Iginiit ng Kardinal na kailangang pahalagahan at pangalagaan ng bawat tao ang kanilag ugnayan kay Kristo dahil ang ugnayang ito ang magliligtas sa mga tao.

Samantala, huling binigyang diin ng Kardinal na kaakibat ng pagsunod sa landas na tinahak ni Maria ay ang paglilingkod sa mga mahihirap, sa mga maliliit at sa mga binabalewala sa lipunan.

Naniniwala ang Kardinal na kung kaugnay ng ating buhay si Hesus ay nararapat na kaugnay din natin ang mga mahihirap sa pamamagitan niya.

Tulad ni Maria, umaasa ang Kardinal na matutularan ng mga mananampalataya ang ipinamalas nitong kababaang loob hindi pagiging mayabang.

“Si Maria lalong pinararangalan, lalong ibinababa ang sarili at nakikiisa sa mga mabababang tao… Habang itinataas siya, inilalapit niya ang kanyang sarili sa mga yagit ng lipunan. Nariyan ang pagpapanibagong buhay ng sambayanan.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Read more: Homilya of Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Kardinal Tagle at Our Lady of the Assumption Parish, Malate Kapistahan ng Pag-aakyat sa langit kay Inang Maria

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 120,281 total reads

 120,281 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 214,308 total reads

 214,308 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 258,578 total reads

 258,578 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 281,686 total reads

 281,686 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 351,247 total reads

 351,247 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,629 total reads

 33,629 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,530 total reads

 26,530 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top