Walang pag-asa ang lipunang walang awa-Cardinal Tagle, Panibaguhin ang buhay kay Kristo, sa pamamagitan ng pagiging mapagpatawad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya, sa kanyang Homiliya sa Novena mass para sa kapistahan ni Pope St. Pius X, sa Pius X Parish, Onyx, Paco, Manila.

Ayon kay Kardinal Tagle, nais ni Hesukristo na baguhin ang bawat tao, sa pamamagitan ng kanyang awa at habag.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na hindi dahil nagkasala ang isang tao ay kinakailangan na agad itong parusahan at patayin.

Inihalimbawa ng Kardinal ang kuwento sa Ebanghelyo kung saan pinatawad ng amo ang kanyang utusan na may malaking utang.

Gayunman, sinabi ni Kardinal na kung minsan tayong mga tao ay nagiging tulad ng utusan na nang aabuso naman sa kanyang kapwa at nakalilimutang tularan ang pagiging mapagpatawad ng Diyos.

“Pinatawad kita tapos yung iba na humihingi ng tawad sa iyo hindi mo pinatawad, nakalimutan mo na ba? D’yan nagsisimula ang pagrerebelde at kawalan ng habag. Pag-kalimot – nakalimutan na papano tayo minahal ng Diyos, pinatawad ng Diyos, at kapag nakalimot, hindi na magpapatawad sa kapwa,” pagninilay ni Cardinal Tagle

Sinariwa din ni Kardinal Tagle sa kanyang Homiliya ang unang Death Anniversary ni Kian Delos Santos.

Inihalintulad ng Kardinal si Kian sa utusang nagmakaawa at humingi ng tawad subalit hindi siya nabigyan ng pagkakataon at sa halip ay pinaslang.

“Ngayon po ang unang anibersaryo ng pagkapatay dun sa batang si Kian na pinatay sa Kalookan, na nagmamakaawa, Tama na po, may test pa ako bukas. Kapag nawalan ng awa, ang buhay ng kapwa, wawaldasin. Sabihin na na merong pagkakamali, wala na bang awa para sa nagkamali? At saan tayo makakakita ng tao na hindi nagkamali kahit minsan? Anong gagawin natin? Bawat nagkakamali sasaktan? walang matitira sa atin dito.” Bahagi ng Homiliya ng Kardinal.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pag-iisip ang siya ring pumapatay sa pag-asa ng pag-unlad sa lipunan.

Aniya, ang lipunang walang awa ay walang pag-asa at sa ganitong prinsipyo ay walang lugar ang sinuman sa mundo.

“Ang lipunan na walang awa, walang pag-asa. Nasa atin ang mamili, gusto ba natin ng may pag-asa o tayo’y mamuhay sa kadiliman na hanggang d’yan nalang tayo at ang nagkakamali, walang lugar sa mundong ito. At kapag yun ang prinsipyo natin walang lugar para kahit kanino.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya na tularan si Pius X na magpanibago ng buhay at magpatawaran ng mga hinanakit, paghihiganti at galit sa puso.

Sinabi ng Kardinal na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng bagong pagkakataon at bagong buhay ang taong pinatawad at matatamasa naman ng taong nagpatawad ang kapayapaan sa kanyang kalooban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 119,152 total reads

 119,152 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 213,179 total reads

 213,179 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 257,449 total reads

 257,449 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 280,557 total reads

 280,557 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 350,179 total reads

 350,179 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,606 total reads

 33,606 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,507 total reads

 26,507 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top