PCPR, Dismayado sa promosyon ng mga pulis na sangkot sa Kian slay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 375 total reads

Dismayado ang Promotion of Church Peoples Response sa kawalan pa rin ng katarungan sa pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan City makalipas ang isang taon.

Ayon kay PCPR Spokesperson Nardy Sabino, ang kawalang katarungan sa nasabing kaso ay nagpapakita ng umiiral na state of impunity sa bansa kung saan walang napaparusahan.

Iginiit ni Sabino na hindi mawawakasan ang mga kaso ng pagpaslang o mga extra judicial killings sa bansa kung sa halip na kasuhan at parusahan ang mga alagad ng batas na inabuso ang kanilang posisyon ay pupuriin pa ang mga ito at itataas ang kanilang mga ranggo.

“Nakakalungkot, nagpapakita ito o nagpapalakas ng impunity sa bansa na imbes na maparusahan sila ay tumataas ang kanilang ranggo at napupuri pa sila, kaya ito yung panawagan din natin sa administrasyon na paano matitigil yun pagpaslang kung binibigyan pa ng pagkakataon umangat yung mga namumuno dun sa ating mga pulis na gumagawa ng pagpaslang…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Ikinalulungkot ni Sabino ang kawalang katarungan sa pagkamatay ng binatilyo sa kabila ng testimonya ng mga saksi at kuha sa CCTV Camera kung saan sangkot ang mga pulis Caloocan.

Ika-16 ng Agosto noong nakalipas na taon ng mapaslang ng mga otoridad ang 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos na sinundan pa ng mga kaso ng pagpaslang sa dalawa pang binatilyong sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Kasunod nito ay tinanggal sa posisyon ang halos buong puwersa ng Caloocan City Police kabilang na sina Northern Police District Director Chief Supt. Roberto Fajardo, Caloocan City PNP chief Senior Supt. Chito Bersaluna at ang Hepe noon ng Santa Quiteria precinct na si Chief Inspector Amor Cerillo kasama na ang lahat ng mga pulis sa nakasasakop na presinto.

Gayunpaman, makalipas lamang ang isang taon ay tumaas ang ranggo at katungkulan ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay opisyal na ng NPD Operations Office si Cerillo, si Fajardo naman ay Direktor na ng PNP Highway Patrol Group habang si Bersaluna naman ay nagsisilbi ng Provincial Director ng PNP-Bulacan.

Matatandaang mariing kinundina ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang marahas na sinapit ng tatlong binatilyo sa kasagsagan ng anti-ilegal drug operations ng mga alagad ng batas sa siyudad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 19,515 total reads

 19,515 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 100,301 total reads

 100,301 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 194,527 total reads

 194,527 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 255,016 total reads

 255,016 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 267,883 total reads

 267,883 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,443 total reads

 18,443 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top